Posted by: thecommuterexpress | July 24, 2007

140 sultada ngayon sa SJC derby finals

Sportsgame ni Galman

AYAN mga kasabong at derby finals na ngayon sa San Juan Coliseum. Sa ika-10 ng umaga sisimulan ang championship round ng Rambulan 6-Cock derby.

Dito natin mapapanood ang salpukan ng mga kampeong panabong. Mayroong mahigit sa 140 sultada ang bibitiwan ngayon, ayon sa estimasyon ni pit manager Renato Shio.
Susubaybayan ngayon ng mga aficionado ang entries nina Rio Salceda at Allan Siaco, ang mga co-champions sa 978-entry ng National Rambulan 8-Cock derby nitong nagdaang Mayo.

Nakasama rin na may tig-dalawang panalo at aasinta sa titulo ang lahok nina William Go, sabong idol Patrick Antonio, Boy de Roca, Roger Segismundo, Pol Estrellado, Gerry Espina, Moling Dorado, Jun Topacio, Frank Cabaddu, Mario Garcia, Louie Cua, Bobby Doromal, Raymond Turla, Gerald Go, Pepito Ngo, Renato Shio at derby host Rodolfo Pineda. Nakataya rito ang garantisadong P3-milyon na papremyo.

Sa darating na Huwebes, ay isasagawa naman ang 4-Cock derby ni Capt. Cesar Sto. Domingo. At sa Sabado naman ang Fastest Win One-Cock Ulutan. Mangyaring tumawag po kayo sa telepono 725-5369 at 0917-8041691 para sa iba pang katanungan.

Mayroong 100 entries sa Pahabol

Mga kumpirmadong kalahok ang dumagsa sa Pahabol Sa Taglugon 5-Cock derby na nakatakda sa Hulyo 31 at Agosto 2. Tiniyak na ngayon ang mahigit sa 100 entries sa isa pang blockbuster derby dito sa Roligon Mega Cockpit.

Muling tatayong host at promoter si cockpit owner Rolly Ligon sa dalawang araw na bakbakan.

Ito ay may pa-premyong P1-milyon at ang entry fee nito ay P7,700 lamang.

Para sa mga gusto pang sumali, tumawag kayo at makipag-alam lamang sa opisina ng Roligon sa mga telepono 851-2275 at 852-9812 at hanapin sinuman kina Jona at Shirley.

Kahapon naman ay itinalaga ng Roligon management ang beteranong gamefowl breeder na si Mimi Itchon ng Laguna bilang opisyal na screener ng Stag Festival 5-Stag derby.

Ang stagfest ay naka-schedule na sa Setyembre 6, 8 at 10. Ito ay may garantisadong premyong P1.5-milyon at ang entry fee ay P8,800 lamang. Magsisimula ang screening ng mga stags sa unang Linggo ng buwan ng Agosto.

Daang-Hari fastest win

Asahan natin ang balikatang mga sultada ang isasagawa ngayon sa Fastest Win One-Cock Super Timbangan ng Daang-Hari Coliseum na nasa Pasong Buaya II, Imus Cavite. Uumpisahan ngayong ika-3 ng hapon ang salpukan.

Kailangang maisumite ang mga entries ngayon. Mula ika-8 ng umaga hanggang ika-1 ng hapon ang palistahan. Ang registration fee ay P1,100.

Host dito sina Dr. Allan Chua at Jimmy Bacoor. Malalaman agad ang fastest win champion at second placer tuwing ika-10 sultada. Tatanggap ng P15,000 ang fastest winner at P5,000 naman ang second.

Sa Miyerkules naman ay mayroon ding Fastest Win One-Cock Ulutan. At inaabangan na rin ito dahil P530,000 naman ang siyang paglalabanan. Isang owner-type jeep ang ibibigay bilang grand prize.

Makakatanggap din ng isang sakong bigas ang unang 20 mananalo. Ito ay ayon kay Albert Akim at Muntinlupa Cockers. May P2,000 din para sa lahat ng mga magwawagi. Mangyaring tumawag po kayo sa 0920-8752370 kay Cathy para sa iba pang katanungan.


Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

Categories

%d bloggers like this: