Posted by: thecommuterexpress | August 7, 2007

Mini-bus vs puno, isa pisak

ISANG pasahero ang namatay habang hindi pa matukoy na bilang ng ibang pasahero ang nasaktan matapos sumalpok sa punong-kahoy ang mini-bus na kanilang sinasakyan sa lalawigan ng Bataan nitong nakaraang Sabado.

Batay sa ulat, ang insidente ay naganap dakong 12:30 p.m. nitong Sabado habang bina-bagtas ng naturang mini-bus ang kahabaan ng Gov. Linao Highway sa bayan ng Morong sa Bataan.

Kinilala ang biktima na si Jess Lasin, isang residente ng bayan ng Limay doon din sa Bataan.

Napag-alaman sa inisyal na ulat na hindi na umano umabot pa ng buhay ang biktima sa Bagac Medical Center kung saan dapat gamutin ang mga tinamo nitong sugat.

Ayon naman sa inisyal na imbestigasyon, si Lasin ay napisak sa kinauupuan nito nang ang bus (CVL 510) na minamaneho ng isang Jeffrey Nohadera, 29, ay bumangga sa isang malaking puno sa gilid ng highway.

Ayon sa pahayag ni Nohadera, bigla na lamang umanong nasira ang manibela ng bus na kanyang minamaneho na naging dahilan ng naganap na aksidente.

Samantala, ang ibang pasaherong itinakbo sa Bataan General Hospital sa Balanga City ay nakalabas na rin sa nasabing ospital matapos gamutin ang mga sugat na tinamo nila dahil sa pagkakabangga ng bus sa punong kahoy.


Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

Categories

%d bloggers like this: