Posted by: thecommuterexpress | August 7, 2007

Pulis itinumba ng NPA

TINAMBANGAN at pinagbabaril hanggang sa mapatay ng mga miyembro ng New People’s Army (NPA) ang isang pulis sa bayan ng Pio V. Corpuz sa Masbate nitong Linggo ng hapon.

Batay sa inisyal na ulat, agad inako ng Jose Rapsing command ng NPA ang pagkakapaslang kay non-commissioned officer Jojo Eser dahil sa umano’y ilang tiwaling gawain nito na laban sa adhikain ng kanilang grupo.

Sinabi pa ng NPA na pinangunahan pa ni Eser ang ginawang pagsalakay ng mga militar laban sa mga NPA sa lugar, at nagbuo pa umano ang biktima ng isang intelligence network laban sa mga bandido sa lalawigan.

Ayon naman sa inisyal na imbestigasyon, naganap ang pananambang kay Eser dakong ala-una ng hapon kung saan ay gumamit ang mga NPA ng kalibre .45 at 9-mm na pistola sa naturang insidente.

Natagpuan pa ng pulisya ang apat na basyo ng kalibre .45 at dalawang basyo naman ng 9-mm na bala sa lugar na pinangyarihan ng pamamaslang.


Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

Categories

%d bloggers like this: