Posted by: thecommuterexpress | August 6, 2007

May kumakalat na text message na namatay daw si Antonia Babao

eXpress Scoop ni Ruel Mendoza

NAGPADALA ng text message sa amin si Tintin Bersola-Babao dahil ang dami raw nakaka-receive ng text message na nagsasabing namatay daw sa isang aksidente ang anak nila ni Julius Babao na si Antonia.

Ayon pa raw sa text ay nadulas daw si Julius habang bitbit si Antonia at nabagok daw ang ulo nito. Noong una raw ay galit na galit ang mag-asawa dahil sobra naman daw ang taong nagpakalat ng mensahe na ‘yan. Buhay na raw ng anak nila ang ginagawang joke.

Pero ‘di nagtagal ay kumalma na rin sina Tintin at Julius dahil kapag nag-react daw sila ng hindi maganda, baka lalo pa raw hindi ito makatulong. Kaya ito ang pinadalang text message sa amin ni Tintin:

“Grabe nga, eh. That rumor about Anya (nickname ni Antonia) has been there actually months ago pa. Lately lang talaga kumalat ng husto to the point na pati ako tinatanong ng iba pang mga showbiz reporters kasi narinig na nila sa radio. Weird!”

“How can people concoct such a bad joke? Parang product of an evil, idle mind, ‘di ba? Anya is a healthy, active, smart and happy baby. She’s going to toddler school na.”

Imposible raw na wala na si Antonia dahil kasa-kasama nila ito noong magbakasyon sila sa Italy kamakailan. Bago nga sila umalis ay nag-pictorial pa para sa isang product endorsement ang mag-ina.
* * *
Award-winning young actor na nga ang utol ni Glaiza de Castro na si Alchris Galura. Nanalo na itong best actor sa Cinemalaya at Golden Screen Awards para sa indie film na pinagbidahan niya na Batad Sa Paang Palay. Kasalukuyang nominated din siya as best actor sa nalalapit na Gawad Urian.

Pero kahit na nga kilala nang mahusay na actor si Alchris, nagawa pa rin niyang mag-audition para sa bagong reality-musical program ng GMA-7 na Coca-Cola Ride To Fame: Yes To Your Dreams. Natuwa nga si Alchris dahil hindi niya inaasahan na mapapasama siya sa Top 12 na maglalaban-laban para sa naturang show.

“Sinubukan ko lang po mag-audition kasi hilig ko rin po ang music,” ngiti pa ni Alchris. “Iba naman kasi ito sa acting, eh. Music side ko na ito. Plus mahilig din akong sumayaw kaya wala namang masama kung sumubok ako. Natuwa ako noong tawagan ako at sinabing I made it sa Top 12. Unexpected pero masaya po ang buong pamilya ko lalo na si Ate Glaiza.”

Mas natataranta nga raw si Glaiza ngayon kesa kay Alchris. Parati raw ang reminder ni Glaiza sa kanyang kapatid na laging mag-ayos at makinig sa mga magiging leaders nila.

“Mas excited nga si Ate Glaiza kesa sa akin,” ngiti niya ulit. “Lagi siyang nagte-text sa akin kung ano na nangyayari sa akin. Si Ate Glaiza kasi, mas sanay siya sa ganitong mga trabaho. Tsaka mas magaling siyang kumanta at mag-perform sa akin kaya gusto niya maayos din ako.”

12 weeks ngang tatakbo ang naturang reality show at sa malaking Coke Fame Bus magsasama-sama ang Top 12 contestants. Doon nga raw sila magdya-jamming at magtutulung-tulong mag-compose ng mga awitin nila.

Sila Drew Arellano at Karel Marquez ang hosts ng Coca-Cola Rise To Fame: Yes To Your Dreams ng GMA-7. Ang iba pang contestants ay sina Aaron Cadawas, Gui Comia, Daryl Lagos, Carl Guevarra, Alexander Uy, Avajane Jugueta, Rosan Reodica, Pamela Bondoc, Qwyncy Rei Siclot, Francesva Lagura and Musique Cabaltesa.
* * *
Product pala ng isang broken home ang Pinoy Big Brother Season 2 ex-housemate na si Dionne Monsanto. Sa edad na one-year old ay naghiwalay na ang kanyang mga magulang. Sa edad ngayon ni Dionne na 21 years old, apat na beses pa lang niya nami-meet ang kanyang biological father.

“The first time I met him was when I was ten years old. Tapos nakita ko siya ulit, when I was 14 years old. The next year, nagkita ulit kami. The last time I saw him was when I was 19. Tapos hindi ko na siya nakita pa ulit,” pag-recall ni Dionne.

May times nga raw na wish ni Dionne na magkaroon siya ng time na makasama ang kanyang ama for one whole day. Never daw kasi niya itong nakilala ng husto at ang mga pagkikita nila ay mabilisan lang.

“Kahit na sino namang anak would wish to spend time with their father. Bunso pa naman ako and I never felt a father’s love talaga. Sana kung pagbibigyan, I want to really get to know my dad well. ‘Yun nga lang, hindi ko alam kung saan siya matatawagan or mapupuntahan.”

Laking Cebu si Dionne at nasa 3rd year college siya sa La Consolacion Cebu taking up Mass Communication noong mag-audition at mapasama siya sa PBB 2. Before joining the said reality show, isang ramp and print model si Dionne sa Cebu. Isa rin siyang local talent ng ABS-CBN Cebu.

“I use to do a few shows with ABS-CBN Cebu. May ginawa akong soap drama doon before. But I concentrated on my studies kaya hindi ako nagtuluy-tuloy. Noong napasok ako sa PBB 2, doon na ako nag-decide to try a career in showbiz fulltime. But I still have plans to finish my course. Isang year lang naman ang natitira kaya gusto kong tapusin na rin.”

Hilig din sumali ng mga local beauty contests sa Cebu si Dionne. Pero never daw niyang naisip na sumali sa national beauty contest tulad ng Bb. Pilipinas.

“Many are encouraging me pero ako na rin ang umaayaw. Kulang ako sa height requirement. I’m only 5 feet 3 inches tall. Ang height requirement yata is 5’6”, ‘di ba? Kaya hindi ko na iyon inambisyon.”

Gusto ngang i-pursue ni Dionne ang pag-arte dahil may malawak na experience na siya sa field na ito. Two years ago nga raw ay nag-acting workshop siya sa ABS-CBN 2 sa Quezon City.

“I feel that acting is my forte. Though I can dance and sing, pero mas comfortable sa acting. Hopefully, I can be cast in any drama shows ng Dos. Para lang mahasa ang mga alam ko sa pag-arte.”


Responses

  1. grabeh….
    ang cute2x moh Alexander Uy..aheh!!!
    ….mWwUuAaHh….

  2. hi gals n’ guys..gudluck nlang seniong lhat…!!!
    kEeP SaFe……(-.-)

  3. diba ang team ng coca cola gumawa ng mabuti paar bu,alik sau .. e bket nakasali un daryl na yan sa coke contest e masama ugali nyn ahh …


Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

Categories

%d bloggers like this: