Posted by: thecommuterexpress | August 7, 2007

Naka-motorsiklong suspect yari sa pulisya

Pinagbabaril hanggang sa mapatay ang isang pinaghihi-nalaang kawatan na nakasakay sa motorsiklo matapos umano itong lumaban sa mga tumutugis na elemento ng Manila Police District (MPD) sa Tondo, Maynila nitong Linggo ng gabi.

Ayon sa pulisya, ang suspect na si Ramon Sayson, 27, ay namatay dahil sa mga tinamo nitong tama ng bala sa iba’t ibang parte ng katawan makaraang makipagbarilan ito sa mga awtoridad na miyembro ng isang police patrol unit.

Sinabi ni homicide investigator SPO3 Danilo Vidal na ang insidente ay nangyari dakong alas-11 ng gabi nitong Linggo sa kanto ng Abad Santos at Batangas Streets, sa Tondo.

Batay sa inisyal na imbes-tigasyon, ang special patrol unit na mula sa Manila City Hall ay nagsasagawa ng pagpapat-rolya nang mamataan nila ang magkaangkas na kalalakihan sa naturang lugar.

Nang tinangka umanong parahin ng mga awtoridad ang dalawang lalaking magka-angkas sa motorsiklo ay bigla na lamang umanong bumunot ng baril si Sayson at pinagbabaril ang mga pulis, kung saan ay napilitan na lamang lumaban ang mga ito.

Samantala, ang kasama ng suspect na nakatakas habang nagaganap ang barilan ay hindi pa nakikilala hanggang kahapon ng umaga.


Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

Categories

%d bloggers like this: