Posted by: thecommuterexpress | August 7, 2007

Rosales: Dapat magsuot ng tamang damit pangkasal

HINDI dapat gawin na dahilan ang kasalan para makagamit ng tinatawag na “improper attire” ang mga ikakasal na babae at pati na rin mga abay nito sa loob ng simbahan.

Ganito ang naging panawagan ni Manila archbishop Gaudencio Cardinal Rosales kagabi sa mga debotong Katoliko na hindi nagdadamit ng maayos sa kanilang pagsisimba dahil nakaka-distract ito sa ibang nagsisimba.

“Observe proper clothing during weddings.  Failure to adhere to suggested attire may catch the attention of other churchgoers and may be distracted from their prayers,” sabi ni Rosales sa kanyang statement na nakapaskel sa Web site ng Catholic Bishops Conference of the Philippines.

Nauna rito nagpalabas na ng direktiba si Rosales kaugnay ng pagpapatupad ng “dress code” sa mga simbahan, lalo na tuwing Misa kapag Linggo.

Ipinaliwanag ni Rosales na ang panawagan ng Simbahan ay hindi nangangahulugan na dapat gumamit ng bagong “designer clothes” ang mga magsisimba, kundi yung mga damit na karapat-dapat lamang upang hindi maka-distract sa ibang nagsisimba o nagdadasal sa loob ng Simbahan.


Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

Categories

%d bloggers like this: