Posted by: thecommuterexpress | July 27, 2007

Samahang Aga Mulach at Charlene Gonzales hindi nagigiba ng mga intriga

Ni Benjie Felipe

SA SHOWBIZ couples ay sina Aga Muhlach at Charlene Gonzales ang tipong dehins nagigiba ng mga intriga kaya nananatili silang matatag sa pagsasama. Ang isa sa sikreto ayon kay Pareng Aga ay umiiwas silang mag-asawa na magpaka-showbiz.

“We just stay away from limelight. After work, we go straight home. You don’t see us in most of the showbiz gatherings. Mas madalas kami doon sa aming Batangas property ‘coz me and Charlene share the same passion in plants and gardening.”

“Doon lang kami ng mga anak namin at masaya na kami doon,” sabi pa kay MorningBabes.

Nagkakasiyahan lang silang mag-anak sa kuwentuhan sa kanilang farm at enjoy palagi sa ganitong set up. Kamakailan nga ay nag-inquire si Charlene kung saan ang magandang school dahil papasok na ang kanilang twins na sina Andres at Atasha.

Sabi ni Aga, ang masaya at matagumpay na pagpapamilya ay pinagtatrabahuan, kahit dehins perpekto ang samahan basta’t one hundred percent na tututok ang mag-asawa sa anumang problema, mapapanatiling maayos at matagal ang pagsasama.

Incidentally, tila minasama ng ilan ang pahayag ni Aga sa presscon ng bago niyang movie. Tungkol ito sa umano’y panghihinayang niya na dehins agad niya nakuha si Igi Boy, na anak niya kay Janice de Belen, noong lumalaki pa lang ito. Kaya ang binata umano ay tipong alaws direksiyon ang buhay ngayon. Sabi ng aktor ipinadarama niya sa panganay ang kahalagahan ng pagsisikap.

Kahit umano may naipon si Morning, dehins niya ito basta ipamimigay sa kanyang mga anak. Dapat malaman ng bawat bata na ang anumang mithiin ay pinaghihirapan para masarap tikman ang tagumpay. Magandang wisdom na dehins dapat masamain ng mga anak mula sa mga magulang.

Sabagay, aminado naman si Janice na ang kanilang panganay ay talagang dumaan din sa pagsubok na dehins kagandahan, dala ng kabataan nito. Kaya paliko-liko ang landas ng pag-aaral ni IgiBabes. Pero elibs si Tsongkibenj kay Janice, huh! Sa halip na awayin nito si Aga ay mabuti rin ang kanyang naging pahayag sa programa nilang “Sis” kasama sina Mareng Carmina Villaroel at Gelli D Belen.

“I’ve said this many times before, because my relationship with my son (Igi) is an open book, kung ako lang ang masusunod, I would like to give him a perfect father and a perfect mother. But as we all konow I can’t give it to him kaya hindi rin siya perfect. Pero kung anuman ang opinion ninuman tungkol sa anak ko, accepted ko ‘yan. I don’t want to say anything to Aga in front of the camera. Puwede naman kaming mag-usap na hindi sa harap ng publiko. Pasensiya na po kayo kung ang bagay na ito ay ipinagdadamot ko kasi my relationship with my son is a very private matter,” well said di ba naman.

* * *

Ang gaya naman ni Sarah Geronimo ay huwaran bilang anak at estudyante. Kahit matagumpay na ito bilang singer at aktres ay dehins niya kinalilimutan ang kahalagahan ng edukasyon. Kaya siya ngayon ay tinitingala at inspirasyon ng kabataang Pinoy.

Maganda rin ang naisip ng Extreme Magic Sing people na kunin bilang endorser si Sarahbabes at unang hakbang lang ito para sa mas mabuting layunin.

Ang Gawad-Kalinga ay proyekto ni Mr. Tony Meloto na tumutulong sa mga kapus-palad. Nagpapagawa ng bahay sa pamamagitan ng bayanihan at nagpapa-aral din ng mga batang walang kakayahan sa pananalapi.

Nais ngayon ng Extreme na magbigay ng scholarship sa mga bata mula sa GK na may talento naman sa pag-awit. Nagsisimula na silang mag-screen ng mga puwedeng singers at kinausap na nila ang University of the Philippines Conservatory of Music para sa tie up sa scholasrship grant sa mga deserving students from Gawad-Kalinga. Napaka-noble ng objective ‘di ba naman, mga tsong at tsang?

“Sarah inspired us very much at sana nga ay may mga Sarah Geronimo pa ring umangat sa buhay mula sa hanay ng Gawad-Kalinga,” sabi ng isang executive ng Extreme Magic Sing.

Mga utoy at ineng, muli nga palang magbabalik sa telebisyon ang inyong paboritong si Sarah bilang aktres. Bida uli siya kasama nina Maja Salvador at Cathy Gonzaga sa sineseryeng “Pangarap Kong Bituin” sa ABS-CBN. Natural, kaabang-abang ito dahil mula ito sa direksiyon ng matagumpay na si Direk Erick Salud na siyang dahilan kung bakit nakilala bilang aktres si Sarah sa “Bituing Walang Ningning.”


Responses

  1. well..ang ganda..keep it up


Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

Categories

%d bloggers like this: