Posted by: thecommuterexpress | August 7, 2007

MAG-LOLA TODAS SA BOKSINGERO

KASALUKUYANG tinutugis ng mga operatiba ng Manila Police District (MPD) ang isang boksingero na umano’y puma-tay sa mag-lola matapos umano itong mabigong makahingi ng pera sa mga biktma sa Tondo, Maynila nitong Linggo ng gabi.

Batay sa inisyal na ulat, pinangalanan lamang ng pulisya ang suspect na si “Roy” at kasalukuyang hina-hanap na ng mga pulis matapos itong tumakas maka-raan ng insidente.

Napag-alaman na humingi umano ng pera ang suspect kay Delia Manzo, 51, para pamasahe nitong papunta sa Cebu.

Ngunit nang tinanggihan ito ng biktima ay agad nagwala ang suspect at pinagsasaksak si Manzo, at tila hindi pa nakuntento ay inihampas pa ni “Roy” ang ulo nito sa semento.

Nang nakalugmok na si Manzo ay pinagbalingan naman ng suspect ang dalawang taon na apo ng biktima na si Timothy Andre at sinaksak ito sa lalamunan.

Ayon sa pulisya, naganap ang malagim na insidente sa bahay ng biktima na matatangpuan sa kahabaan ng Carlos P. Garcia Street sa Moriones, Tondo nitong Linggo ng gabi.    Jun P. Yap


Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

Categories

%d bloggers like this: