Posted by: thecommuterexpress | August 7, 2007

Nadine: Hindi ko pa kaya ang ginawa nina Cristine at Katrina kasi bubot pa ako

eXpress Scoop ni Ruel Mendoza

ISA nga si Nadine Samonte sa bumili kaagad ng FHM cover ni Cristine Reyes nang lumabas na ito sa mga tindahan. Kaagad daw niyang tinext si Cristine at sinabing ang sexy-sexy daw nito sa cover.

Isa nga kasi sa close friends ni Nadine si Cristine kaya noong mag-decide itong magpa-sexy ay isa si Nadine sa hiningan ng payo ng nakababatang kapatid ni Ara Mina.

“Worried siya noong bago siya i-pictorial. Para nga raw gusto niyang mag-backout. Pero sinabi ko naman sa kanya na kung magiging mas maganda ang kalalabasan, ituloy niya. Alam ko naman na kaya niya at talagang pagkakaguluhan ang FHM cover niya,” sabi ni Nadine.

“Kaya noong malaman ko na mabenta siya, natuwa ako for Cristine kasi she deserves it. Matagal na siyang inabangan ng FHM kaya worth ang paghintay nila sa kanya.”

So kelan naman kaya susunod si Nadine na magpapa-pictorial sa isang sexy men’s magazine? Kaya na ba niyang gawin ang ginawa na nila Cristine Reyes at Katrina Halili?

“Ay naku, hindi ko pa kaya kasi bubot pa ako!” malakas na tawa ni Nadine. “Wala ako nang anumang meron sila Katrina at Cristine. Parang nakakahiya naman!”

Pero marami ang nagsasabing puwede na si Nadine, lalo na’t pumayat ito at mas tumangkad pa. Ang outfit nga niya sa Super Twins ay nagpapakita kung gaano na na-sexy ang kurba ng katawan niya. At never siyang nawawala rin sa Top 100 ng FHM taon-taon kaya it means na puwede na siya.

“I think hindi pa time para gawin ko ang mga ginawa na nila Katrina at Cristine. Sila kasi, they were meant to do that kasi noong Starstruck days namin, silang dalawa talaga ‘yung mga sexy.

Kami naman, meant kami for other things. Not unless pang-bata na lang ang FHM, sige magpapa-pictorial ako kaagad. Kaso for adult men ‘yung mag kaya alangin pa akong gawin ang ganyan.”

Ngayon pa nga lang daw pumapasok sa maturity si Nadine at kapansin-pansin nga ito sa mature role niya sa Kung Mahawi Man Ang Ulap at sa bagong pictorial niya for CD Jeans kung saan kinuha siyang muling celebrity endorser.

Kasama rin pala si Nadine sa malaking cast ng Marimar kung saan gaganap siyang si Inocencia. Nagsimula na ngang mag-taping si Nadine for Marimar at halos araw-araw na ang kanyang trabaho dahil nagkasabay ito sa Sine Novela niya.

* * *
Muling nagbabalik nga si Raymond Lauchengco sa bakuran ng Viva Records. After nga ilang years na wala siya sa recording ay muli siyang nakatapos ng bagong album na sa October ng taong ito ila-launch.

Sey nga ni Raymond na sa Viva talaga nagsimula ang kanyang singing career at maging ang kanyang acting career ay ang Viva ang nagpakita ng interes.

“Nag-flashback nga ako. Kasi noong ‘80s when I started my career, it was Boss Vic (del Rosario) who signed me up with Viva. And now, it’s his son Vincent (del Rosario) who signed me up. Kaya parang magandang homecoming ito for me and the right time to do an album again.”

“I did two albums for Viva Records before. Plus I sang sa soundtracks ng Bagets, Bagets 2 and Hot Shots. And I recorded the theme songs Saan Darating Ang Umaga and Kapag Puso’y Sinugatan for them as well.”

Tamang-tama nga raw ang launch ng kanyang bagong album, na puno ng mga ‘80s hits pero recorded in standard version, dahil manga-nganak na by that time ang kanyang misis na si Mia Rocha-Lauchengco.

“It took us three years bago kami magkaroon ng baby. Not because we had a hard time but because we wanted to spend lots of time together. Pinu-postpone namin ang magkaroon ng baby kasi we want to travel a lot. Pero the baby was meant to come na sa buhay namin kaya it will be a double celebration in October. My new album and our first baby.”

Girl nga raw ang magiging baby nila Raymond at Mia at papangalanan nila itong Natalie. Kung lalake raw ang baby nila, they would name it David.

Tungkol naman sa Bagets Foundation, sey ni Raymond na okey naman daw ang tinayo nilang scholarship foundation. Kasalukuyang maayos naman ang pag-aaral ng sampu nilang mga scholars at binabantayan nila ang progress ng mga ito sa mga kursong napili nila sa kolehiyo.

* * *
Nagpapasalamat nga si Ryan Agoncillo kay Mother Lily Monteverde dahil nabigyan daw siya ng pagkakataon na maging isang Regal Baby.

Bata pa raw si Ryan ay naiintriga na raw siya sa term na ginagamit sa mga artista ni Mother Lily na “regal babies.” Pero wala raw sa isipan ni Ryan na one day ay matatawag din siyang gano’n.
“I feel that I now truly belong to the showbiz industry kasi puwede na akong matawag na Regal Baby,” tawa pa ni Ryan. “Never ko itong naisip o napanaginipan. It just happened and I’m very happy and very proud to do movies for Regal Entertainment.”

May ilang pictures ngang pinirmahan si Ryan para sa movie contract niya sa Regal Films. Kabilang na rito ang isang pelikula with real-life girlfriend Judy Ann Santos. Pero first Regal movie nga ni Ryan itong My Kuya’s Wedding na dinirek ni Topel Lee at kasama pa ang “It Girl” na si Maja Salvador.

Natutuwa nga si Ryan dahil isang romantic-comedy na para sa pamilya ang unang pelikula niya for Regal Films. Tuwang-tuwa nga raw siya sa cast at nalungkot nga raw siya noong matapos na ang kanilang shooting.

“We had so much shooting. Parang hindi nga kami napagod. Parang naglaru-laro lang kami sa set. Ganyan ang feeling kapag walang tension sa set at okey lahat ng katrabaho mo. I will truly miss everybody who made my first Regal baby experience.”

Gusto nga raw next na gawin ni Ryan ay horror film at sana nga ay makagawa rin siya ng isang episode sa Shake, Rattle & Roll. Naging paborito raw niyang panoorin noon ang mga SRR series ng Regal Films.


Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

Categories

%d bloggers like this: