Posted by: thecommuterexpress | August 7, 2007

Mga isyu sa paglipat ni Angel, sinagot na nila

Starbuzzer ni Liza Endaya

NAGPALIWANAG agad ng kanyang panig sa samu’t saring issue tungkol sa kanya at sa kanyang alagang si Angel Locsin ang kontrobersiyal na manager na si Becky Aguila.

Halos umiyak si Becky habang sinasagot ang mga isyung ipunukol sa kanila noong wala pa siya rito sa bansa. Pero diretso ang sagot niya sa tanong ng marami – lilipat na ba si Angel Locsin sa ABS-CBN?

“Yes, we’re signing for ABS-CBN! As soon as Angel gets back from London, we’ll be signing the contract,” kumpirmasyon ni Ms. Aguila kasama ang ama ni Angel na si Mr. Angel Colmenares.

Wala raw talagang katotohanan na nakapirma na sila ng kontrata sa Dos kundi talagang under negotiation pa ang lahat bago sila nagpa-interview sa isang show ng Dos.

Ang hiling na lang ngayon ni Ms. Becky sa istasyong kanilang iniwan: “Bilog naman ang mundo, sana ‘wag nilang tuldukan ang lahat. Sana matapos din ito. Sa ngayon alam kong galit pa sila pero sana mag-subside din lahat. At sana maintindihan nila ako, as a manager, it’s just a career move para kay Angel.  Tumatanaw naman kami ng utang na loob, e. It’s just that we have to move on, we have to move forward,” katwiran ni Becky.

Isa pa sa pinakahihintay na isyung nasagot din ay ang ipinakalat na tsismis na anak daw  ng isang katulong si Angel.

“Wala namang relevance sa career ni Angel ‘yun, e. But to satisfy those who are asking for it, no, she’s not a maid. Nasa bahay lang siya. Of course, nagagalit siya siyempre sa nangyayari ngayon. Pero okey lang,” malumanay na paliwanag ng daddy ni Angel.

“I just wish that those adverse publicities kay Angel ay sana’y matigil na. Kaya humihingi ako ng awa to all those concern who instigated these bad issues. I want to thank GMA for helping Angel become for what she is now. And ABS-CBN for accepting her. We’re hoping for a long and fruitful relationship with ABS-CBN,” ayon pa sa ama ni Angel.

Next week nakatakdang magbalik ng Pinas si Angel.

* * *
Matagal rin bago tinanggap ni Toni Gonzaga ang alok para maging host ng pinakabagong talk show na pang-Sabado, ang ‘Entertainment Live.’ Takot siya na maintriga nang husto.

“It’s because I don’t know if I’m ready with that kind of show. Kilala n’yo naman ako, hindi naman talaga ako naging open sa buhay ko. As much as possible I want to keep my life private kahit na nga sabihing public property na rin ‘yung buhay ko bilang isang artista.”

“Talagang it took me sometime to decide on it. Kasi nga hindi naman know it all lahat ng mga nangyayari sa buhay ko,” paliwanag ni Toni.

Pero malaking bagay daw sina Mariel at Bianca para tanggapin niya ang ‘Entertainment Live’ dahil solid na kumbaga ang kanilang samahan bilang magkakaibigan. Kaya gusto rin niyang makasama muli ang dalawa sa bagong show. Magkakasama na kasi sila sa PBB noon.

Nang matanong naman ang TV host ng kaibahan ng kanilang ‘E-Live’ from other talk shows, “we have a real different format from ‘Entertainment Konek.’ Ibang-iba kasi ‘yung sa amin ngayon, naka-fix kami sa Top 10 issues to discuss. ‘Yung sa ETK kasi dati, halos lahat ng issues at intriga, e.”

“With The Buzz naman, mas mabibigat ang issues doon, sa ‘Entertainment Live’ kasi kahit fashion, light issues pag-uusapan namin. May pagka-variety show dahil example, magpu-promote ng movie sina Kim at Gerald, hihingan namin sila ng sample ng kanilang theme song. Kaya meron ding kantahan minsan,” ayon pa sa TV host.

‘E-Live’ is also from the makers of the Buzz at mula sa direksiyon ni Direk Arnel Natividad.

* * *
Nang makachikahan naman namin si Bianca ang sabi ay ready na raw siyang maging isang intrigera. Naging host na rin kasi siya ng ‘Blog’ sa Studio 23 kung saan siya mismo ang nagtatanong at nag-uusisa sa kanyang mga celeb guests nang tungkol sa latest sa mga ito. Kaya hindi na raw bago para sa kanya ang pagiging isang talk show host.

May kani-kaniya silang magiging assignment at nang matanong kung paano kung ang kanyang ex-boyfriend na si Direk Lino Cayetano ang ipa-one-on-one interview sa kanya?

“Ah, hindi gagawin sa akin ‘yon ng staff! Alam nilang hindi ako magiging kumportable. Saka never namang magpapa-interview si Lino, e.

He’s a very private person at kahit naman saan, ‘di pa talaga siya nagpapa-interview,” ayon kay Bianca.

Pero trabaho lang ‘ika nga di ba? Paano kung talagang kailangan niyang gawin? Magtatanong ba siya ng tungkol sa kanilang nakaraan at sa present lovelife ni Direk Lino?

“Wala, napag-usapan na namin lahat-lahat. But if I really have to, I’ll ask him all the questions the writer would want me to ask him.”

“Pero basta, hindi talaga nagpapa-interview sa tao ‘yun, e. Kaya I’m sure, malabo ‘yan!” nakangiting sabi ni Bianca.

So there.


Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

Categories

%d bloggers like this: