Posted by: thecommuterexpress | August 7, 2007

Francisco, Flores nanatiling kampeon

MATAGUMPAY na napanatili ng mga world title prospects na sina Drian “Little Espinosa” Francisco at Rexon “Pison” Flores ang kanilang titulo sa magkaibang impresibong pamamaraan – first round knockout at unanimous decision, ayon sa pagkakasunod, kamakalawa ng gabi sa Paranaque City.

Dinomina ni Flores si Terdkiet Jundaeng sa Elorde Grand Ballroom ng Elorde Sports Center para duplikahin ang kanyang panalo sa Thai challenger ng kanilang engkuwentro noong Abril 21 noong nakaraang taon sa Bacoor, Cavite.

Nagkaisa ang mga Pilipino judge na ibinigay kay Flores ang 118-111, 118-110 at 119-112 na panalo para mapanatili ang kanyang World Boxing Organization (WBO) Inter-Continental light flyweight title sa unang pagtataya.

Walang bumagsak sa 12-round na laban na inayos ng Elorde International Productions at sinuportahan ng Lonsdale and Commando Bear Energy drink, at pinangasiwaan ni Pilipino-American WBO vice president for Asia Pacific Leon Panoncillo at ni Games and Amusement Board (GAB) commission Angel Bautista.

Umangat ang record ni Flores, na mayroong ranking na No. 2 sa mundo ng WBO, sa 18-3-4, 9 knockouts habang lumubog ang marka ng dating muay thai fighter na si Jundaeng sa 7-4-1, 2 KOs.

Isang suntok sa sikmura ang ipinantapos ni Francisco, na 24-anyos na tulad ni Flores, sa mas beterano sa kanyang challenger na si Wanmeechok Singwangcha para makipkip ang kanyang WBO Asia Pacific flyweight crown sa una ring pagtataya.

Namilipit sa sakit ng tama si Singwancha at hindi nagawang makabangon sa bilang na 10 ng reperi sa dalawang minuto 20 segundo ng unang round.

Napataas ni Francisco, na world rated No. 5 ng WBO, ang walang dungis niyang marka sa 13 panalo at 10 doon ang naitala sa knockout. MB


Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

Categories

%d bloggers like this: