Posted by: thecommuterexpress | August 7, 2007

Fastest win super timbangan sa Daang Hari coliseum

Sportsgame ni Galman

ITUON naman natin ang ating atensiyon ngayon sa gaganaping Fastest Win One-Cock Super Timbangan dito sa Daang Hari Coliseum na nasa Pasong Buaya II, Imus Cavite. Mabibilis na sultada ang ikakasa ngayong ikatlo ng hapon na kung saan may nakalinyang 50 sultada.

Gagamitin ngayon ang Bracket-of-Five. Sa ganitong paraan ay malalaman na natin kung sino ang fastest win champion sa tuwing ikalimang sultada. Ito ay tatanggap ng premyong P10,000. Ang entry fee natin ay itinakda sa P1,100 lamang.

Tatayong host ng ating pasabong ngayon sina Dindo Ardie at Unyo Group.

Bukas, Agosto 8 – Miyerkules, ay nakalinya rin ang isa pang Bracket-of-Five Kumbidahan Fastest Win One-Cock Ulutan. Ang mga nakayatang premyo ay ang mga sumusunod. Sa fastest win champion ay P5,000. Sa ikalawa ay P3,000 samantalang sa ikatlo ay P2,000.

Si Jong Noriel ang siyang may pasabong nito at itinakda naman niya ang entry fee sa P1,100 lamang. Para sa inyong katanungan pa, ay mangyaring tumawag po kay Cathy sa celfone 0920-8752370.

Bates trio, ipamimigay sa kanyang derby
Nakaabang na rin ang mga karantso nating sabungero dito sa Makati Coliseum para sa taunang pasabong ng kilala at sikat na breeder na si Richard L. Bates. Ito ang RLB 7-Stag derby na nakalinya sa Agosto 27 at 29.

Nagmula sa Tenessee, USA, si Bates ay nagpasyang pumunta sa Pilipinas sa kalagitnaan ng dekada 70s. Naisipan na rin niyang dito na sa Pilipinas mamalagi. At si Bates ay kinilala bilang isa sa mga sikat na American breeder na ginagamit ang kanyang kaalaman sa sabong dito rin sa bansa.

Ang kailangang entry fee dito ay P16,500. Pero ang nakataya sa pasabong na ito ay garantisadong papremyong P700,000.

Kailangang mula walo hanggang sampung buwan lamang ang edad ng mga stags na tatanggapin. Ito ay ayon sa promoter at host na si Bates. Kailangang nasa tunay na pangkalahatang anyo ang isang stag. Mayroong itong pitong primary wing feathers at tahid na hindi lalagpas sa 3/4 ng isang pulgada.

Puwede ring tanggapin sa naturang pasabong ang mga stags na mayroon nang wingbands na ikinabit ng PCAP, BAKBAKAN, NGBA, BALBINA, LGBA, PAGBA at MIGBA.

At bilang insentibo sa mga paying patrons, tatlong Bates trio ang ira-raffle sa kada araw ng sabong ang puwedeng mapanalunan ng mga aficionado.

Bakit natalo si Es Twenty Six?
Tapos na ang karerang Lakambini Stakes Race na ginanap sa San Lazaro Leisure Park sa Carmona Cavite. Pero hindi pa tapos ang usapan na kung bakit at paano natalo si Es Twenty Six sa naturang karera.

Sariwa pa sa kanyang napakagandang panalo sa ikatlong yugto ng triple crown, si Es Twenty Six na muling ginabayan ni Dominador H. Borbe Jr., ay humataw nang husto ang pusta sa takilya.

Ang sales niya ay maituturing na ring gross dahil sa dami ng sumuporta sa kanya. Kaya nga siyam sa bawat 10 karerista ay magsasabi na hands down winner na si Es Twenty Six. Pero nagulat na lamang ang lahat ng matalo siya sa dehadong si Treasured Ack na tinalo na rin niya.

Sa naipakitang pruweba ay may bitbit na 1:50 tiyempo itong si Es Twenty Six. Si Treasured Ack naman ay 1:52 lamang ang baraha para sa parehong distansiyang 1,750 meters. Sa mas mahabang distansiyang 2,000 meters ay may 2:06.5 si Es Twenty Six, gayung 2:12 naman ang naipakita ni Treasured Ack.

Sa karera nga nitong Linggo ay nag-umento pa si Treasured Ack. 1:50 naman ang kanyang nagawa sa 1,750 meters. Pero siyempre ay mas mabagal dito si Es Twenty Six dahil nakapuwesto lamang siya sa likuran ni Treasured Ack.

Kung mas mahaba pa nga ang karera ay paniguradong inabot pa sa segundo puwesto ni My Neneng na isa pang dehado ang oustanding favorite na si Es Twenty Six. Dito na marahil maghihiyaw sa galit ang mga karerista.


Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

Categories

%d bloggers like this: