Posted by: thecommuterexpress | August 7, 2007

Ang James Bond sa Bulacan!

Shooter ni Raffy Tulfo

ISANG mayor ng isang maliit na bayan sa Bulacan ang tinagurian ngayong Agent 007 ng Pilipinas. Ito’y dahil maraming katangian ang James Bond character sa mga pelikula ni Ian Fleming na mga katangian din ng nasabing mayor.

Sa mga pelikula ni James Bond, halimbawa, lalo pa nitong huling pelikula niyang Casino Royale, hindi nawawala sa script ang pagpupunta niya sa mga casino para magwaldas ng pera ng British Secret Service bilang props upang makahalubilo ang mga minamanmanan niyang kaaway.

Kasama din sa script ang iba’t ibang mga naggagandahang kababaihan na palaging nakabuntot sa kanya tuwing siya’y nagpupunta sa casino.

Ang nasabing mayor naman ay palagi ring nagpupunta sa mga casino para magwawaldas ng pera ng kanyang munisipyo. At sa tuwing punta niya sa casino, palagi siyang may kasamang naggagandahang babae.

Noong nakaraang Huwebes, halimbawa, ayon sa Master Spy ng SHOOTER, si mayor ay naispatan sa isang casino sa Maynila na may kasamang dalawang magaganda at matatangkad na chicks.

Ang isa ay maputi at nakasuot ng stylish na eyeglass samantalang ang isa naman ay morena at nakasuot ng plunging neckline na damit na litaw ang malulusog na dibdib nito. Nang gabing iyon, P6 MILLION daw ang ipinatalo ni mayor sa big table.

Si James Bond, sa mga pelikula, bukod sa pagiging secret agent, siya ay may puwesto sa British Secret Service bilang Commander ng M16 intelligence unit.

Samantalang si mayor naman, bukod sa pagiging alkalde, siya ay may puwesto rin bilang Bossing ng mga financier sa mga casino. Ayon sa ating Master Spy, sa halos lahat ng mga casino daw sa buong bansa, may mga nakatalagang tauhang financier si mayor.

* * *
Ang tanong ngayon ng ating kyuryosong Master Spy, saan daw kumukuha ng pera si mayor na ipinapatalo niya sa casino ng milyun-milyon halos gabi-gabi?

Imposible daw na ang milyung-milyong perang ipina-patalo ni mayor ay nangga-galing sa Internal Revenue Allotment (IRA) o kita sa local tax ng kanyang munisipyo dahil hindi naman super yaman ang kanyang bayan.

Katunayan, ang bayan ni mayor sa buong probinsya sa Bulacan ay isa sa nakakatanggap ng maliit na IRA taun-taon.

Ayon pa sa Master Spy, kung IRA lang daw ang pag-uusapan, nasa pagitan ng P35 to P45 million lamang daw kada taon ang natatanggap ng bayan ni mayor mula sa national government.

Ibig sabihin, kung tutuusin, ang isang taon na IRA ng kanyang bayan ay kayang limasin ni mayor sa loob lamang ng wala pang isang buwan sa estilo ng kanyang pagpapatalo sa casino halos gabi-gabi.

Eh, paano naman ang mga milyun-milyong puhunan na ipinapaikot ng mga tauhang financier ni mayor sa halos lahat ng mga casino sa buong bansa at saan nanggagaling ang mga perang ito?

Bakit animo’y Bangko Sentral ng Pilipinas ang bulsa ni mayor at hindi siya nauubusan ng mga perang ipinapatalo?

Ayon pa rin sa Master Spy, noong mga nakaraang taon, kumalat ang haka-haka na si mayor ay pasok sa droga, bagama’t iyon ay hindi napatunayan at nanatiling tsismis na lamang.

Pero idinipensa ko si mayor sa ating Master Spy, in fairness naman kay mayor sabi ko sa ating Master Spy, baka mali ang kanyang pandinig.

Marahil ang talagang kumalat na tsismis ay si mayor ay pasok at partner sa ligal na mga chemical laboratories at pharmaceutical companies na matatagpuan sa kanyang bayan at hindi sa mga shabu laboratories at mga ipinagbabawal na gamot. Napataas ng kilay at napakamot na lamang ng ulo ang ating Master Spy!

Ang clue para sa ating subject: Ang initials ng alkaldeng ito ay pangalan ng isang softdrink. Ang clue para sa bayan ng ating subject: Florante at Laura.

* * *
Para sa inyong sumbong at reklamo, maaari kayong magtext sa 0906-440-2255 o 0921-477-5555. Maaari rin kayong mag e-mail sa raffytulfo@pldtdsl.net.


Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

Categories

%d bloggers like this: