Posted by: thecommuterexpress | August 7, 2007

Alcano bigo sa Shanghai Guinness 9-Ball tour

NATAPOS na ang fifth at final leg ng Guinness 9-Ball tour nitong Linggo ng gabi sa Shanghai, China kung saan ay yumuko sa finals si reigning double world champion Ronato “Volcano” Alcano kontra kay Taiwanese Yang Shing-chun, 12-10, para mabigong putulin ang pagka-uhaw ng bansa sa Asian tour crown na nilimas ng Pilipinas noong nakaraang edisyon.

Noong nakaraang edition ng SMB Asian 9-Ball tour, na-swept ng Philippines ang apat na leg sa gabay nina pool maestro Efren “Bata” Reyes, dalawang beses, at countrymen Rodolfo Luat at Ramil Gallego, tig isa.

Sina Bata Reyes at former world No. 1 Francisco “Django” Bustamante ay parehong SMB endorsers, kaya hindi nakalahok sa Guinness tour, na direct competitor ng SMB.

Si Yang, na nanaig kay local ace Fu Jian Bo sa semi-final matches ay nakopo ang top prize na $15,000 at third tour leg crown. Una niya ng napanalunan ang Kaoshiung at Singapore leg na may total 245 points para tumapos ng No. 1 spot sa order tour of merit. Habang nasa ika-4 na puwesto naman si Alcano na may 160 points.

Nasa ika-2 puwesto naman si Chang Jung-lin na may 185 points sa pagkopo sa inauguration leg sa Jakarta at third leg sa Malaysia para makumpleto ang Taiwanese domination.

Pakunsuwelo na lamang ni Alcano nang ihatid ang kababayan at current Philippine National champion Negros Billiard Stable (NBS) ace Lee Vann “The Slayer” Corteza sa Top Ten ng talunin niya si Ryu Seung Woo, 11-6, sa isa pang semi-final matches sa Shanghai campaign.

Ito’y nagresulta ng four-way sa 10th last berth sa Grand Finale sa August 31 hanggang September 2 sa Bali, Indonesia.

Sina Corteza, Ryu, Naoyuki Oi ng Japan at Chan Keng Kwang ng Singapore ay may identical na 100 total tour points sa Order of Merit, subalit tinanghal na superior ang quotient ni Corteza tungo sa last berths sa Grand Finale. MB


Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

Categories

%d bloggers like this: