Posted by: thecommuterexpress | August 7, 2007

81 nabiktima ng diarrhea sa Camarines

UMABOT sa 81 mga residente ng isang bayan sa Camarines Sur ang naospital dahil sa sakit na diarrhea na nagmula umano sa kontaminadong tubig na kanilang nainom.

Batay sa ulat ng radio station dzRH kahapon, ang mga naapektuhang residente ay sinasabing mula sa walong barangay ng Bombon – isang fifth class na munisipalidad sa Camarines Sur.

Ayon naman sa inisyal na ulat na mula sa municipal health office ng Bombon, lumalabas na tinamaan ng loose bowel movement (LBM) ang mga pasyente, kung saan ay ilan sa kanila ay kinailangan pa umanong itakbo sa isang pagamutan sa Naga City.

Napag-alaman na nagsagawa na ng isang emergency meeting ang mga health officials doon at hiniling sa ibang opsiayl at enhinyero ng lokal na pamahalaan na siguruhing malinis ang supply ng tubig sa kanilang lugar at hindi ito kontaminado.

Sinasabing ang mga apektadong lugar ay ang mga barangay ng San Antonio, San Francisco, San Isidro, San Jose, Pagao, San Roque, Siembre, at Santo Domingo.


Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

Categories

%d bloggers like this: