Posted by: thecommuterexpress | August 6, 2007

WTJ 3-Cock derby sa Makati coliseum

MGA mananabong sa Metro Manila ang inaasahang lulusob ngayon sa Makati Coliseum kaugnay ng bibitiwang Winning Time Jobo 3-Cock derby. Ang pasabong na ito na inisponsoran ng B-Meg Derby Ace at Gran Matador ay mayroong 50 sultada ang nakalinya.

Ang mga promoters na sina Rudy Salud, William Co at Lito Orillaza ng WTJ Sports and Amusement Corporation ang naglagak ng garantisadong premyong P300,000.

Nasa ikatlong serye na ang ating WTJ 3-Cocker ngayon.  Ang mga nauna nang nagkampeon ay sina Amor Salvanera sa entry na Kalayaan, Diko Cesar sa RGA at Ram Lopez ng R and A noong Hulyo 23. Sina Sam Mendoza ng SM Gamefarms, Alex Magpantay ng King Dareen, Lito Orillaza at Rudy Salud ng Pamaskong Salpukan at Lion Wings ang nagsosyo sa titulo noong Hulyo 30.

Dumagsa naman ang maraming entries para sa taunang Rabatitat Pahabol sa Taglugon 4-Cock derby sa Agosto 15.

Ang beteranong promoter at derbyists na si Bobbit Ples ang may pasabong nito. Ito ang pinakamahabang cock season-ender na ngayon ay nasa ika-20 taon na. Para sa iba pang katanungan, tumawag lamang po sa 896-3545 at 895-6475 at hanapin sina Joan o Stephanie.

P1,100 lamang ang entry fee sa Pampanga stagfest
Asahan natin ang pagdami ng mga participants sa malaking stagfest ng Bacolor Cockpit Arena na nasa Bacolor Pampanga. Sa maliit na entry fee na P1,100 lamang ay dagsa sigurado ang mga entries sa paderbing ito na nakatakda sa Agosto 25, 27, Setyembre 1, 3, 8, 10, 22 at 24.

Ito ang Bacolor 7-Stag derby. At nakataya sa pasabong na ito ang garantisadong papremyong P1.5-milyon. Host dito ang kilalang Yap Brothers ng Pampanga na sina Jack at Jun. Itinakda nila ang minimum bet sa P4,400. Mangyaring tumawag po sa 09178175439 para sa iba pang impormasyon.

Kanseladong derby
Kanselado at hindi na tuloy ang Smalltime Rambulan 5-Cock derby dito sa San Juan Coliseum. Naka-schedule sana ito sa Agosto 6, 8, 11, 13, 15 at 18.

Pero may ipapalit namang mga derbies sa mga naturang schedules. Ito ang siniguro ni pit manager Renato Shio. At tatlong derbies ang lalargahan sa magkakahiwalay na pasabong.
Sa darating na Miyerkules, Agosto 8, ang isang 3-Cock derby. Ito ay may nakatayang P150,000 bilang papremyo. Isa pang 3-Cocker ang hahataw sa Agosto 11. Ito ay handog naman ng SJC management.

At sa Agosto 13 naman ang pagsambulat ng 4-Cock derby na pamamahalaan nina Butch Nunez, Hermie Herrera at Mamad Villarubio. Para sa iba pang impormasyon, tumawag lamang sa 725-5369.

Mga kampeon sa Makati derby
Nagkasosyo ang apat na entries sa kampeonato ng ginanap na WTJ 3-Cock derby noong Lunes, Hulyo 30, dito sa Makati Coliseum. Sila ay nagmula sa may kabuuang 44 participants.

Kapwa kumana ng tig-tatlong panalo ang mga lahok nina Sam Mendoza (SM Gamefarms), Alex Magpantay (King Darren), Lito Orillaza at Rudy Salud (Pamaskong Salpukan) at Lion Wings entry.

At patuloy na rin ang preparasyon para sa promosyon ni Bobbit Ples sa kanyang Pahabol sa Taglugon 4-Cock derby na nakatakda sa Agosto 15. Ito ay may papremyong P300,000.


Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

Categories

%d bloggers like this: