Posted by: thecommuterexpress | August 6, 2007

Palengke ng Muntinlupa susunod na susunugin?

MATAPOS lamunin ng apoy ang kanilang city hall nitong nakarang Biyernes, ang pamilihan naman ba ng lungsod ng Muntinlupa ang isusunod dito?

Inihayag kahapon ni Muntinlupa mayor Aldrin San Pedro na nakatanggap siya ng isang tawag na nagsasad na ang palengke sa lungsod ang isusunod na susunugin.

“May tumawag sa amin at sinabing ang susunod ay ang palengke,” ani San Pedro sa isang interview sa dzBB radio.

Bagama’t hindi nito ipinaliwanag, sinabi naman ni San Pedro na maaaring nakabangga nila ang isang grupo na umano’y nasagasaan dahil sa pinaigtng na pangu-ngulekta ng bayad mula sa mga vendor sa palengke.

Sinabi pa ng alkalde na dati ay kumikita lamang ang lokal na pamahalaan ng P40,000 kada araw, ngunit nang siya na ang maupo bilang bagong mayor ay tumaas na ito sa halagang P200,000 sa loob ng isang araw.


Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

Categories

%d bloggers like this: