Posted by: thecommuterexpress | August 6, 2007

KRIMINAL IBUROL, HINDI PULIS – LIM

Inihayag kahapon ni Manila City mayor Alfredo Lim na ang “shoot-to-kill” policy laban sa mga kriminal ay hindi dapat maging dahilan para umabuso naman ang kapulisan sa lungsod.

Kaugnay nito, ipinaliwanag ni Lim na ang “shoot-to-kill” order ay para lamang sa mga kriminal na pumapalag magpaaresto at nagtatangka pang patayin ang mga pulis na umaaresto sa kanila.

“The order involves only those engaged in heinous crimes like robbery with homicide, gang rape and those who had killed policemen before.  I don’t like policemen being beaten to the draw and being shot,” ani Lim sa isang panayam na isinagawa sa radio station dzBB kahapon.

Sinabi pa ni Lim na ang pinaka-ayaw niya ay ang dumalo sa “necrological rites” para sa mga pulis na napatay sa pagganap ng kanilang tungkulin.

“Mas magaling kung ang ibuburol natin ay ang mga kriminal at hindi ang pulis,” dagdag pa ni Lim.

Samantala, inatasan na ni Lim ang mga kinauukulan tungkol sa pagrepaso ng policy tungkol sa napipintong pagbabawal sa mga magkaangkas sa motorsiklo sa lungsod.

“Perhaps we can allow relatives and family to ride tandem, but not complete strangers,” paliwanag pa ng alkalde. Jun P. Yap


Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

Categories

%d bloggers like this: