Posted by: thecommuterexpress | August 6, 2007

Diaz wagi vs Morales

NAGTALA si WBC lightweight champion David Diaz ng narrow twelve round unanimous decision kontra kay legendary three-division champion Erik Morales nitong Sabado ng gabi sa Amerika, Linggo naman sa Pilipinas, sa harap ng halos sampung libong boxing fanatics sa All-state Arena sa Chicago, Illinois.

Angat agad si Diaz, na mayroong 33-1-1, 17 KOs, kay Morales,na mayroon namang 48-6, 34 KOs, sa unang mga minuto ng round one, pero nagawa ni Morales pabagsakin si Diaz sa pamamagitan ng malakas na suntok ng kanang kkamay nito.

Pero sa katapusa ng pagsasagupa ng dalawa ay pumaborang tatlong hurado kay Diaz, 114-113, 115-112, 115-113, na naging dahilan din sa pagkabigo ng tangka ni Morales na maging kauna-unahang great Mexican-born fighter na mananalo sa apat na world title sa magkaka-ibang dibisyon.

Sa labanan ng NABF super bantamweight championship, panalo pa din si Pilipino unbeaten Bernabe Concepcion (16-0-1, 10 KOs), kontra kay Gabriel Elizondo (22-3, 10 KOs), sa fourth round stanza

Umatake naman si unbeaten “Son of the Legend” super welterweight Julio Cesar Chavez, Jr. (33-0-1, 26 KOs) kay “Downtown” Louis Brown (15-3, 10 KOs) sa round four para pigilin ni referee Gerald Scott ang laban sa oras na 2:42.

Hindi din nagpahuli si Unbeaten super bantamweight prospect Juan Manuel Lopez (18-0, 16 KOs) na nagtarak ng tenth round TKO kay veteran Hugo Dianzo (31-12-1, 15 KOs).

Kabilang din sa nagbida si heavyweight Joey Abell (15-1, 15 KOs) na nangailangan ng 2:11 mark para pahintuin si Mike Sheppard (9-7-1, 5 KOs) sa round one habang si Super middleweight Donovan George (15-0-1, 13 KOs) ay nagtala naman ng impressive third round stopper kay Shay Mobley (16-9-1, 11 KOs) sa 2:33 round three. MB


Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

Categories

%d bloggers like this: