Posted by: thecommuterexpress | August 6, 2007

Babae isasabak vs Abu Sayyaf

MAGKAKAROON na ng malaking partisipasyon ang mga kababaihan sa paglaban sa grupong may kaugnayan sa Al-Qaeda na Abu Sayyaf sa Lamitan City, lalawigan ng Basilan.

Napag-alaman kahapon na inihayag ni Lamitan mayor Roderick Furigay na manga-ngalap na sila ng mga babaeng magiging miyembro ng “militia force” ng lungsod.

Ipinaliwanag ni Furigay na ang mga babaeng magiging kuwalipikado ay maglilingkod sa ilalim ng Special Civilian Active Auxiliary (SCAA) na binubuo na sa Lamitan.

Aniya, ang mga babaeng kasanib sa SCAA ay magsisilbi bilang “counterpart” ng kapulisan doon na may kinalaman sa paghawak ng mga kasong kinasasangkutan ng kababaihan upang maiwasan ang usapin tungkol sa sexual harassment.

“Their salaries will come from the community where they serve, unlike the Citizens Armed Forces Geographical Unit (CAFGU) whose members get salaries from the military. The militia will serve as the stationary forces of the AFP in maintaining peace and order, and as force multiplier of the military and police in a particular place,” sabi pa ng opisyal.

Samantala, isang grupo ng mga Muslim ang nanawagan sa pulisya na huwag nilang isangkalan ang nangyaring pambobomba sa isang bus terminal sa Kidapawan City nitong Biyernes upang dakpin ang mga Muslim at pagbintangang mga terorista ang mga ito.

Napag-alaman na ang Kawagib Moro Human Rights organization ay tinukoy ang mga nakaraang pagdakip sa mga Muslim noong mga naunang insidente ng pambobomba sa Mindano kung saan ay pinakakawalan din naman ang mga ito dahil sa kakulangan ng ebidensya.


Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

Categories

%d bloggers like this: