Posted by: thecommuterexpress | August 6, 2007

Alcano pasok sa finals ng Guinness Shanghai leg

TINALO ni double world champion Ronato “Volcano” Alcano si Korean Ryu Seung-Woo (11-6) para makausad sa finals ng fifth at final leg ng ginanap na Guinness 9-Ball tour kahapon sa Shanghai, China.

Ang pagkapanalo ni Alcano ay nagbigay din ng daan kay Negros Billiard Stable (NBS) ace Lee Vann “The Slayer” Corteza ng pagkakataong makopo ang 10th at last berths tungo sa Grand Finale sa Agosto 31 hanggang Setyembre 2 sa Bali, Indonesia.

Sa long distance interview kahapon kay chief bureau Dux Carvajal ng Pro Solution, PR company na nag-represent sa ESPN, sina Corteza, Ryu Seung-Woo, Singaporean Chan Kwen-kwang at Japanese Naouki Oi ay may identical 100 points order of tour of merit. Ayon na din kay Carvajal, umibabaw si Corteza sa tie break points para makausad sa Grand Finale kung saan ay nakataya naman ang top prize na $36,000.

Makakalaban naman ni Alcano sa finals ang magwawagi sa pagitan nina Taiwanese Yang Ching-shun at China’s Fu Jian Bo, na kasalukuyan pang naglalaban sa semis kahapon. MB


Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

Categories

%d bloggers like this: