Posted by: thecommuterexpress | August 3, 2007

Screening ngayon para sa Showdown Stagfest

Ni Galman

MAKARAAN ang ilang araw na paghihintay, sisimulan na rin ngayon ang pag-screen sa mga stags na sasabak sa Pitgames Showdown 6-Stag derby. Ito ay nakatakdang gawin sa San Juan Coliseum sa Setyembre 1, 3 at 5. Kailangang walo hanggang 10 buwan lamang ang edad ng mga manok.  

Uunahing bisitahin ng stag screening committee ang mga gamefarms sa Batangas at Laguna. Kailangang tumimbang lamang sa 1.7 hanggang 2.1 kgs. ang mga stags na tatanggapin.

Naglaan ng papremyong P1.5-milyon ang mga hosts ng naturang derby. Sila ay ang mga beteranong promoters na sina Danny Ty at Manny Berbano. Bukod sa premyo ay tatanggap din ang bawa’t kampeon ng imported na Keyang brush cutter.

Ang Showdown Stagfest ay nasa ika-22 taon na. Ito ay isa sa pinakamahabang serye ng pasabong. Sinusuportahan ito ng mahigit sa 100 participants bawa’t taon. Para sa iba pang katanungan, tumawag lamang po sa 725-5369 o 0917-8277484 at 0928-4131389 at hanapin si Manny.

65 sultada sa Pasay cockpit

Narito mga kasabong at dito naman tayo ngayong gabi sa Pasay City Cockpit. Mainit at matinding labanan ang ating masasaksihan ngayong ika-6 ng gabi. Mayroong nakalinyang 65 sultada sa gaganaping 3-Cock derby.

Naimbitahan ng ating host na si Lito Roque ang mga datihan nang derbyists mula sa Pasig, Las Pinas, Pasay, Paranaque, Makati, Valenzuela, San Juan at Malabon. Si Roque ay regular ding mananabong sa mga nabanggit na sabungan.

Mayroong nakatayang papremyong P200,000 samantalang P5,500 lamang ang kailangang entry fee. Sa iba pa ninyong kaalaman, mangyaring tumawag po kayo sa PCC office sa 843-1746, 816-6750 at 843-1890.

Kasunod na rin dito ang Two-Cock Ulutan sa Linggo. Ito ay may P8,000 papremyo para sa unang 15 kampeon. At ang mga kasunod naman ay may P6,000 na pabuya.

Cainta 3-Cocker ngayon

Dito naman sa Cainta Fair Center Coliseum ay mayroon ding pasabong. Mabilis na labanan ang isasalang ngayong ika-6 ng gabi ang simula. Mayroong nakalinyang 58 na sultada sa isang 3-Cocker derby bilang tribute kay Tatu Dupaya.

Sumakabilang-buhay kamakailan dahil sa isang hindi maiiwasang aksidente, siya si Dupaya na isang miyembro ng Sabong Net Web site at batam-batang abogado.
Dahil dito ay mainit na pagsuporta ang gagawin ng mga miyembro ng Cyber Ilocano Cockers Association (CICA), Zamboanga White Lovers group at mga miyembro pa rin ng Sabong.Net.

Siniguro ni CFCC promoter Ronnie Lacsina na ang bahagi ng kikitain sa naturang pasabong ay ihahandog sa pamilya ni Dupaya.

Sa ibang balita, dumami pa ang nagpalistang kasali sa nakatakdang CFCC Stagwars 5-Stag derby. Ito ay nakalinya sa Agosto 24, 27, 29 at 31 gayundin sa mga petsa ng 3, 5 at 7 sa buwan naman ng Setyembre.

Kung mayroon pa kayong mga katanungan, at maging sa inyong farm-to-farm screenings, mangyaring tumawag po sa telepono 655-3334; 0918-9001411 kay Ronnie Lacsina o 0918-9211151 kay Bubut Gavino.


Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

Categories

%d bloggers like this: