Posted by: thecommuterexpress | August 3, 2007

Navotas naghigpit vs kontaminadong karne

NAGHIGPIT na ang mga palengke sa Navotas City laban sa maaring pagpasok ng mga kontaminadong karne ng baboy na mula sa ilang farm sa lalawigan ng Bulacan na tinamaan ng sakit na hog cholera.

Napag-alaman na nagmamatyag na pati mga vendor sa mga pamilihang bayan sa Navotas sa pagpupuslit ng mga karneng “double dead” sa kanilang lugar.

Batay sa ulat, nakaranas umano ng paghina ng benta ang mga magkakarne sa Navotas dahil sa takot ng mga mama-mayan sa maaring pagkakontamina ng karneng kanilang bibilhin.

Nauna rito, nagdeklara na ang mga awtoridad ng “red alert” kaugnay ng nangyaring insidente ng pagkakaroon ng hog cholera sa iba’t ibang bahagi ng Luzon.
Kaugnay nito, pinaigting na rin ng pulisya at opisyal ng Agriculture department ang kanilang pagmo-monitor sa ilang lugar sa Bulacan kung saan ay pinag-hihinalaan nilang pinagmumulan ng kon-taminadong karne.


Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

Categories

%d bloggers like this: