Posted by: thecommuterexpress | August 3, 2007

kalamidad sa 4 na lalawigan

PINANGANGAMBAHANG idedeklara ang “state of calamity” sa apat na lalawigan – tatlo sa Ilocos at isa sa Cagayan Valley, kung magpapatuloy pa ang nararanasang tagtuyot sa mga lugar na ito.

Batay sa ulat ng National Disaster Coordinating Council (NDCC) kahapon, nakasaad na ang mga lugar na maaring maideklara ang state of calamity ay sa mga lalawigan ng Pangasinan, Ilocos Norte, Ilocos Sur at Quirino.

“Pangasinan, Ilocos Norte and Ilocos Sur might also consider the declaration of said provinces under a state of calamity if the situation continue to persist,” nakasaad sa ulat ng NDCC sa Web site nito.
Sinabi pa ng NDCC na ang provincial board ng Quirino ay masusing pinag-aaralan na kung magdedeklara nga sila ng state of calamity sa mga susunod na araw dahil sa patuloy nilang nararanasan na init ng panahon doon.

Inihayag ng NDCC na sa Ilocos region, ang naging tagtuyot doon ay nakaapekto na sa halos 86,060 ektaryang bukirin sa apat na lalawigan na nasa ilalim nito, kabilang na ang 26,000 ektarya sa La Union – kung saan ay nauna na itong nagdeklara ng state of calamity, 47,500 sa Pangasinan, 11,400 sa Ilocos Norte, at 1,160 ektarya naman sa Ilocos Sur.

Samantalang sa Quirino naman, ang pagtatanim ng mais ay lubha nang naapektuhan sa pitong bayan na kinabibilangan ng Aglipay, Cabarroguis, Saguday, Diffun, Maddela, Nagtipunan at Quirino. At sinasabing naapektuhan na rin ang pagtatanim ng palay sa Aglipay, Cabarroguis at Saguday.
Ang pinsala sa Quirino ay tinatayang umaabot na sa halagang P52.129 milyon. Jun P. Yap


Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

Categories

%d bloggers like this: