Posted by: thecommuterexpress | August 3, 2007

DoLE survey: Mas maraming babaeng exec kaysa lalaki

INIHAYAG ng Department of Labor and Employment (DoLE) kahapon na dumarami na ang bilang ng mga kababaihang nagiging executive o nasa supervisory position sa bansa kumpara sa bilang ng mga kalalakihang ganito rin ang nagiging posisyon.

Sinabi ng DoLE na naging basehan nito ang datos mula sa Bureau of Labor and Employment Statistics (BLES) na nagsasaad na ang “gap” sa bilang ng mga babaeng nagiging executive ay lumalamang simula pa noong 2002.

Napag-alaman na 1.4 milyon lang ng Pilipinong lalaki ang nagiging executive o nasa supervisory position kumpara sa bilang na 1.86 milyon na mga kababaihan na naging ganito ang posisyon simula pa noong 2002.

Ayon sa DoLE, ang bilang ng mga babaeng tumatas ang posisyon ay lalong dumadami kung ikukumpara sa mga kalalakihan.

Sinabi pa ng DoLE na noong 2004, ang bilang ng mga lalaking naging supervisor at executive ay umabot lamang sa 1.613 milyon, samantalang ang mga kababaihang naging ganoon ang poisyon ay umabot na sa 2.162 milyon.

“The number of Filipino women holding top positions is globally remarkable,” sinabi pa ng Dole.

Ipinaliwanag naman ni DoLE secretary Arturo Brion na ang pagtaas ng bilang ng mga Pilipinang nagiging executive o umaabot sa supervisory position ay dahil sa edukasyon na kanilang tinamo.

Ayon kay Brion, lumalabas na isa sa bawat tatlong nagtatrabahong Pilipina o 32.8 porsiyento mula sa bilang na 12.8 milyon na employed na mga babae nitong 2006 ay umabot sa kolehiyo.

“With higher education, women have better chances of also getting better paying and higher positions,” ani Brion.


Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

Categories

%d bloggers like this: