Posted by: thecommuterexpress | August 3, 2007

Buhay milyonaryo (Una sa dalawang bahagi)

TATAAS na daw ng doble ang presyo ng pagtaya sa lotto. Kung dati-rati’y nakabibili ng lotto ticket maging mahirap man o mayaman, ngayon ay magdadalawang-isip na ang maraming kababa-yan natin na gastusin ang pinaghirapan na kitaing pera, lalo’t kung isang kahig, isang tuka lamang ang klase ng pamumuhay.

Pero dahil pangarap ng maraming Pilipino ang maging milyonaryo, kahit pa daw mabigat sa bulsa at kapalit ang kumakalam na sikmura, bibili at bibili pa rin ng lotto ticket dahil para sa marami, ito ang tanging pagkakataon na makaahon.

Ayon sa ulat ng financial services group na Capgemini at ng U.S. investment bank Merill Lynch, dumadami daw ang bilang ng mga milyonaryo sa buong mundo. Hindi ito dahil tumama sila sa lotto.

Karamihan ay mga maliliit na negosyante na nakisabay sa paglago ng kanilang ekonomiya at nag-invest sa stocks, bonds at iba pa. Karamihan daw sa mga bagong milyonaryong ito ay galing sa mga bansang Singapore, India, Indonesia at Russia, mga bayan kung saan marami ding mga mahihirap tulad ng Pilipinas. Sila ay mga milyonaryo in dollars, mga multi-millionaires sa pera natin.

Sa China, tinatayang mayroon ng 500,000 na milyonaryo, bunga ng paglago ng kanilang ekonomiya na ngayon ay pangalawa na sa pinaka-malaking ekonomiya sa buong mundo.

Isa sa mga bagong milyonaryong ito si Xue Yiwen. Nais ang magandang buhay, sinikap niya na makapagtapos ng Engineering. Pagka-graduate niya, nabigyan siya ng gobyerno ng trabaho bilang technician. Pero na-depress si Xue Yiwen sa mahabang commute (dalawang oras araw-araw) sa masikip na bus papunta sa kanyang pinagtatrabahuan.

Para malibang, bumili siya ng sewing machine at nag-umpisang gumawa ng mga damit. Pagkatapos ng nakakapagod na trabaho bilang technician at mahabang commute pauwi ng bahay, dali-dali siyang nananahi ng damit, minsan inaabot ng magdamag, para sa mga orders na pumapasok mula sa isang malapit na tindahan. Pero siningil ang katawan niya ng sobrang pagpupuyat at sa edad na 28 inatake siya sa puso.

Ngunit ‘di siya natinag sa kagustuhang bumuti ang sitwasyon sa buhay kaya’t minabuti niya na mag-resign na lamang sa trabaho at magtayo ng negosyo. Una siyang nagbukas ng tindahan ng bulaklak, tapos sinubukan niya ang television cable business at ang huli ay isang kompanya ng kemikal, kung saan 3,000 ang kanyang nabigyan ng trabaho. Ngayon ay tinatamasa na ni Xu Yiwen ang bunga ng kanyang pagsusumikap at pagpupursigi. Nakatira siya sa isang luxury condominium kung saan ang lahat ng kasangkapan sa kanyang magarbong tahanan ay dinesenyo pa ng sikat na Italian designer na si Versace.

Sa kuwento ng buhay ni Xue Yiwen, makikita na kahit sino, puwedeng maging milyonaryo basta’t masipag, may determinasyon at malikhain na pag-iisip sa mga puwedeng pagkakitaan at umpisahang negosyo. Maliit man sa umpisa ay kayang palaguin. Ngunit mahalaga din na pangalagaan ang katawan dahil ‘yun ang ating pinaka-puhunan.

Ang Pilipinas ay isa sa mga bansang malaki ang potensyal sa pagnenegosyo dahil palago ang ating ekonomiya. Marami na akong narinig na mga kuwento ng mga small-time businesses na ngayon ay tumatabo na sa kita.

Nandyan ang Julie’s Bakeshop na nag-umpisa lang na maliit na panaderya pero ngayon ay makikita mo na sa halos lahat ng kanto. Nandyan din ang Index Salon na tinayo ng mag-asawang optometrist na ninais magnegosyo. Batid nila na mahilig ang mga Pinoy sa pagpapaganda at pagpapa-guwapo kaya’t naisip nilang magbukas ng parlor para sa “masang sosyal”. Ngayon ay 80 branches na sila nationwide.

Iilan lamang ito sa mga maraming kuwento ng tagumpay ng mga nag-umpisang maliliit na negosyanteng Pilipino.

Ang pera daw ay madaling kitain. Unang-una ay kailangang baguhin ang pag-iisip na mahirap magkaroon ng pera at limitado ito. Ang totoo ay maraming pera sa mundo at kahit sino maaring yumaman kung gugustuhin.

Sa bagong sumisikat na libro ngayon na “The Secret,” tinuturo kung paano natin puwedeng ma-attract sa ating buhay ang kayamanan at kung ano pa man ang iba nating mga deepest desires. Sa susu-nod na Biyernes ay ibabahagi ko sa inyo ang ilang mga madaling prin-sipyo mula sa librong “The Secret” at “Law of Attraction” para hikayatin ang pagpasok ng kasaganaan sa ating buhay.
+D.O.G.


Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

Categories

%d bloggers like this: