Posted by: thecommuterexpress | August 3, 2007

Banggaang Panopio, Hicap masasaksihan

ANG matagal ng inaabangang banggaan ng tropa ng defending champion San Pedro, sa gabay ni former De La Salle University-Manila stalwart Joel Anthony Hicap, at ni Rodolfo Panopio Jr. ng Calamba City ay magkakaroon na ng katuparan sa pagsambulat ng 2007 Governor Lazaro Inter-Town/Inter-Commercial Chess Team Championship bukas, Agosto 4-5 sa Rockpoint Hotel, Spa & Conference Center, Bgy San Antonio II, San Pablo City.

Si Panopio ay ang isa sa Pinoy pawnpushers na pumisak sa Chinese grandmaster sa 2007 Philippine International Open Chess Championship sa Subic nitong Abril.

Habang katulong naman ni Hicap sa San Pedro sina veteran campaigner Ricky Merano, fast-moving Ervil Villa, Bernard Punzalan at Arsenio Valencerina Jr.

At aasa naman ang Letran-Calamba kina Laguna top junior players, Bryan Cyril Martinez, Arvin San Juan, Rommel Ortillo, Cesar Nikko Sechico at John Mikko Gotengo para sa Mixed (Juniors, Women, Kiddies) Section.

Ang sagupaang ito ay inorgnisa ng Laguna Chess Association sa pakikipagtulungan ng Provincial Sports & Games Development Office, at P20,000 plus trophy ang iuuwi ng champion team.

Kalahok din ang Sta. Rosa City, San Pablo City, Cabuyao, Los Banos, Sta. Cruz, Pagsanjan, Lumban, Liliw, Nagcarlan, Famy, Siniloan, Sta. Maria, Mabitac, Pakil, Pangil, Cavinti, at Paete, sa sinasabing pinakmalaking Laguna Inter-town/Inter-commercial.

Lahat ng manlalaro ay kinakailangan magsuot ng kanilang respective team uniform.

Tumawag kay Laguna Chess Association President, Dr. Alfredo Paez sa (049) 5317628 / (0921) 2728172 para sa karagdagang detalye. MB


Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

Categories

%d bloggers like this: