Posted by: thecommuterexpress | August 3, 2007

Alcano, Cortez, 2 Pinoy pipiliting maka-score sa Guinness tour

TATANGKAIN nina reigning double world champion Ronato “Volcano” Alcano, 2nd BSCP National Championship ruler Lee Vann “The Slayer” Cortez, at dalawa pang Pilipino cue master na maka-score sa gaganaping $320,000 Fifth leg ng 2007 Guinness 9-Ball Tour na sasargo simula ngayong Biyernes hanggang Linggo sa Shanghai Hotel, Shanghai, China.

Kalahok din sina 2007 Oslo, Norway Battle of Scandinavia 9-Ball champion Roberto “Pinoy Superman” Gomez at 2006 Doha Asian games 9-Ball silver medalist Alex “The Lion” Pagulayan.

Napag-alaman na ang 34-anyos na si Alcano, na kasalukuyang nahaharap sa kasong rape at child abuse na inihain ng isang niyang teenager na anak sa Quezon City Prosecutor’s Office, ay ang bukod tanging pilipino sa field na tiyak na uusad sa Grand Finale sa August 31 hanggang September 2 sa Bali, Indonesia. Mayroon na siyang 110 points sa order of tour merit matapos ang four city leg.

“I will do my very best for my flag and country. I hope that in this last leg, manalo tayong mga Pilipino,” ani ni Alcano, sa exclusive interview na isinagawa ng Commuter Express sa Bugsy headquarters sa Quezon City nitong Martes.

Kaugnay ng kasong isinampa laban sakanya, sinabi ni Alcano na apektado din siya nito, at idinagdag na, “Matatapos din ‘yan, pero s’yempre apektado tayo.”

Habang ang 28-anyos naman na si Corteza na mula sa Negros Billiard Stable (NBS) ay umaasa na makakapasok sa Grand Finale na mayroon nang 80 points.

“Kailangan kong makapasok sa semis sa Shanghai leg para makatiyak ako sa top 10 tungo sa Grand Finals sa Bali,” ani Corteza sa isang hiwalay na interview nitong Martes din.

Pagkatapos ng Shanghai leg, sina Alcano at Corteza rin ang kakatawan sa bansa sa pagsargo ng 2007 US$50,000 winner-take-all sa tinampukang International Challenge of Champions sa August 9 hanggang 10 sa Mohegan Suns Casino, Uncasville, Connecticut in USA.

Nakataya sa Shanghai stop ang  total prize purse na $50,000 at points sa Tour’s Grand Final sa Bali sa Aug. 31-Sept. 2, na feature ang top 10 players sa overall Order of Merit. Ang magkakampeon sa bawat leg ay tatanggap ng $15,000 habang ang grand champion ay mag-uuwi ng $36,000 sa three-day, annual nation-hopping event na inorganisa ng ESPN STAR Sports. MB


Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

Categories

%d bloggers like this: