Posted by: thecommuterexpress | August 3, 2007

3 sakong pampasabog huli sa barko

NAKAKUMPISKA ang mga elemento ng Philippine Coast Guard (PCG) ng tatlong sako ng ammonium nitrate – isang sangkap sa paggawa ng malakas na pampasabog, sa loob ng isang barko na kararating lamang sa North Harbor sa Maynila kaha-pon ng umaga.

Batay sa ulat, natagpuan ng mga operatiba ng Coast Guard ang tatlong sako ng ammonium nitrate na abandonado na sa passenger area ng barkong M/V Catalyn.

Napag-alaman na ang “Catalyn” ay kadadating lamang sa Pier 2 ng North Harbor sa Isla Putting Bato nang magsagawa ng “routine inspection” ang mga awtoridad.

Pinaniniwalaang biglang ini-wan ng pasaherong nagdala ng naturang kontrabando nang mapansin nito na tinitingnan na ng mga tauhan ng Coast Guard ang mga bagaheng lulan ng M/V Catalyn.

Samantala, inaalam pa ng mga awtoridad kung ang “Catalyn” ay pag-aari din ng kumpanyang nagmamay-ari ng M/V Catalyn-D – ang barkong nasunog at lumubog noong nakaraang Hunyo kung saan ay limang pasahero ang namatay.


Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

Categories

%d bloggers like this: