Posted by: thecommuterexpress | August 2, 2007

World pool slot tina-target ni Bustamante

MATAPOS makopo ni Joven “The Shark” Bustamante ang kanyang titulo sa ginanap na 4th annual Korea International Championships sa Korea, tina-target naman niya ang mapabilang sa Pilipino pool player na makakapasok sa main draw ng 2007 World Pool Championships na gaganapin sa Araneta Coliseum, Cubao, Quezon City sa darating na Nobyembre 3 hanggang 11.

“Paghahandaan ko ‘yung laban namin ni Boy (Ducanes), World Pool slot na ang nakataya dito eh,” anang 28-anyos na si Bustamante, na dumating sa bansa nitong Martes, matapos talunin sina Carlo Biado ng Pilipinas (7-2) sa semis, at Go Takami ng Japan (7-3) sa finals, para makopo ang top prize na $7,000 nitong Linggo na ginanap sa Seoul Palace Hotel sa Seoul, Korea. MB

“Pero ingat po ako kasi hindi basta-basta si Boy, beterano na iyan at nirerespeto sa pool word,” sabi pa ni Bustamante, na naging 2006 Abu Dhabi 8-Ball champion at 2007 Fujairah World 8-Ball semi-finalist.

Ayon naman kay Raya Sports president at BSCP chairman Yen Makabenta, nagkaroon ng panibagong slot ang bansa matapos magkampeon si Dennis Orcollo sa 2007 BCA enjoypool.com sa Las Vegas, Nevada.

Sinabi ni Makabenta na ang isang slot na binakante ni Orcollo ay paglalabanan nina Bustamante at Negros Billiard Stable (NBS) bet Godofredo “Boy Cotabato” Ducanes, kung saan ang dalawa ay tumapos ng ika-7 hanggang ika-8 puwesto sa 2nd BSCP National Championships sa taong ito.

Una nang inihayag ni BSCP president Ernie Fajardo na ang top 6 finishers sa 2nd BSCP National Championships ay awtomatikong uusad sa main draw ng WPC bukod sa top 10 ng order tour merit ng Guinness 9-Ball tour.

Bukod kina Orcollo at Django Bustamante, ang iba pang Pinoy seeded sa main draw ng WPC ay sina reigning WPC champ Ronato Alcano, 1999 WPC champ Efren “Bata” Reyes, 2004 WPC champ Alex Pagulayan, 2005 WPC semi-finalist Marlon Manalo, 2nd BSCP National Championships winner Lee Vann Corteza, 2006 Doha Asian games 9-Ball silver medalist Jeffrey de Luna, 2006 Japan Open winner Antonio Lining, 2006 Asian 9-Ball tour winner Rodolfo Luat at Ramil Bebeng Gallego. MB


Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

Categories

%d bloggers like this: