Posted by: thecommuterexpress | August 2, 2007

Mortar natagpuan malapit sa US Embassy

NATAGPUAN ng mga construction workers ang isang World War II-vintage na mortar habang naghuhukay ang mga ito sa likod ng isang hotel na malapit lamang sa United States (US) Embassy sa Maynila kahapon ng madaling araw.

Batay sa ulat ng pulisya, nabigla ang mga construction workers nang malaman nilang ang halos tatamaan na pala nilang bakal sa lugar na kanilang pinaghuhukayan ay isa na palang 105-mm na “vintage” mortar.

Napag-alaman na ang lugar kung saan natagpuan ang pampasabog ay sa kabila lamang ng Bayview Park Hotel, na hindi kalayuan sa US Embassy sa Roxas Boulevard.

Dahil sa kanilang nadis-kubre, agad namang ipinag-bigay-alam ng mga mangga-gawa ang bagay na ito sa pinakamalapit na himpilan ng Manila Police District kung saan ay agad namang inalertuhan nito ang kani-lang bomb squad.

Matapos mahukay, dinala ng mga awtoridad ang naturang “vintage” mortar sa tanggapan ng Metro Manila police sa Bicutan para sa safekeeping nito.


Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

Categories

%d bloggers like this: