Posted by: thecommuterexpress | August 2, 2007

Malungkot na lumisan si Sandara Park sa Pilipinas

Starbuzzer ni Liza Endaya

“BAGETS,” planong i-remake ng ABS-CBN! Pero hindi sa pelikula kungdi sa telebisyon!

Ang walang kamatayang youth oriented movie na ito noong 80’s nina Aga Mulach, William Martinez,Ramon Christopher, Eula Valdez, Herbert Bautista at JC Bonnin na tinangkilik nang husto kung saan may mga pinauso pang sayaw at style ng pananamit.

This time, sa planong pagsasa-telebisyon nito, sina John Pratts, Rayver Cruz, Gerald Anderson, Kim Chiu at ang masuwerteng dalawang mananalo (male and female) mula sa Be Bench Search for Model ang magiging cast ng remake ng ‘Bagets.’ Mag-a-audition pa raw siya Enchong Dee at AJ Perez para sa role.

Nang mabalitaan namin ang tungkol sa remake, na-excite din kami dahil napanood namin noon at nakita ang ginawang pagtangkilik ng moviegoers sa “Bagets.” Kaya naman siguradong aabangan din ito ng mga kasabayan namin. (kasabayan namin daw o!) at ng mga bagets ngayon na siguradong makaka-relate sa show.

So there.

* * *
Nagulat kami at nalungkot sa mensaheng natanggap namin noong  Martes nang tanghali.

“Hello po! Sandara here. I’m leaving Philippines for good. Thanks for everything. I’ll miss you! Ingat po kayo lagi!” mula kay Sandara Park ang text message na ‘yon na aming natanggap.

Kaagad naming tinawagan si Sandy dahil sa text na ‘yon. Pero hindi na kami sinagot ng Koreana. Tinext din namin siya kung final na ba ang kanyang desisyong ‘yon at kung kailan talaga siya aalis. Pero wala kaming natanggap na sagot mula sa kanya.

Nabalitaan na lang namin na nagkaroon na pala ng saglit na reunion at the same time despedida party noong Miyerkules nang umaga, Aug. 1, sina Sandara at ang mga kaibigan niya sa showbiz na sina Joross Gamboa, Roxanne Ginoo na ka-join din daw si Jake Cuenca sa bahay na tinitirhan nito sa Greenhills.

Nagpaalaman na daw doon ang magkakaibigan dahil hindi na talaga nagpapigil si Sandara sa kanyang pag-alis. Nagkaiyakan pa nga raw ang mga ito.

At hapon nang Aug. 1, mga alas dos daw nang hapon nang lumipad patungong Korea si Sandy kasama ng kanyang ina at kapatid. Dala na daw ng mga ito ang lahat ng kanilang mga gamit at mukhang talagang hindi na muling babalik.

Nakakalungkot lang isipin na ang dating naging sikat na youngstar, hinangaan at sinundan ng mga tagahanga, sa isang iglap ay nawala.

Hindi nakayanan ni Sandy ang sunod-sunod na pagsubok sa kanyang buhay at ang bigat na rin ng pressure sa kanya sa showbiz. Naging malaking epekto talaga ang impulsive niyang desisyon noon na umalis siyang bigla at the height of her career.

Inamin naman niyang pinagsisihan niya ang tungkol doon pero hindi na siya ganun kainit nang siya’y magbalik. Nagkataon pang may mga bago na ring nakaposisyon sa saglit niyang iniwang trono. Kaya talagang masakit na iba na ang lahat nang siya’y magbalik.

Matagal na naghihintay nang mga projects si Sandy at hindi ganun kadali para sa kanya ang matagal na walang pinagkakakitaan dahil marami din naman siyang binabayarang bills at inuupahang bahay at kinuhang sasakyan. Kaya talagang pressured si Sandy dahil siya naman talaga ang bread winner sa kanilang pamilya mula nang iwan sila ng kanyang ama.

Nakadagdag pa sa kalungkutan ng Koreana ang paghihiwalay nila ni Joseph (Bitangcol) kaya siguro feeling niya’y wala na siyang masasandalan. Kaya sumuko na rin siya sa laban, ‘ika nga.

Ayaw na sanang magpa-interview for the last time ni Sandy sa mga TV crew dahil pigil na pigil din daw ang Koreana at ayaw ipakita ang kanyang emosyon. Kahit na nga halata namang naiiyak na ito.

In the end, nakumbinse ring magbigay ng kanyang huling panayam sa kanyang pag-alis si Sandy at hindi raw nito naitago ang kanyang hinanakit sa kanyang ama. Pero hindi rin niya ipinagdamot ang kanyang signature na Sandara wave nang siya’y umalis na nang tuluyan.

Mami-miss namin si Sandy sa kanyang pag-alis. Naging mabait at mabuti rin naman siya sa amin nang siya’y nandito sa bansa. Anytime na hingan namin siya ng interview o tanungin ay lagi naman siyang open sa amin.

Nakakapanghinayang talaga na ganun kabilis ang kanyang naging career dito sa Pinas. Sana na lang isang araw, muli siyang magbalik, may bagong balita at naging matagumpay sa kanyang career o pag-aaral na pinili niyang ipagpalit sa showbiz.

* * *
Mula sa nakakaaliw na kuwento ni Aga Muhlach, tungkol sa naging kahapon nila ni Maricel Soriano, nabanggit din namin ito mismo kay Maria. Ang minsan isang panahon nilang pagdi-date at pagdi-dinner.

Naka-top-down BMW nga daw nun si Morning pero ang nakakaaliw ay natawa na lang sa pagpapa-impress nito si Maria nang bigla na lang umulan at dali-dali din nitong ibinalik ang manual (dahil wala pang automatic) na top-down na car niya.

“Kaya nga naging magkaibigan kaming dalawa ni Aga, e. Naku noon pa ‘yon. Nagre-rehearse pa noon ang Solid Gold Dancers kasama ko sa New York, Cubao.

“E hindi ba taga-doon si Aga. Tapos magugulat na lang ako na may biglang nagpapaabot ng bulaklak. Mamaya may chocolate. Galing daw kay Aga.”

“Nagma-Michael Jackson pa noon si Aga.

“Nakakaaliw lang at napaka-distinct ng memory na ‘yon. Kasi nga umulan. Pero hindi na naulit pa. Wala namang cellular nang mga panahong ‘yon kaya after that wala nang tawag,” naikuwento ni Maria nang makachikahan namin noong Miyerkules ng tanghali.

Ayaw naman daw mag-presume ng aktres kaya ‘di rin niya inakalang nanliligaw si Aga sa kanya nang mga panahong ‘yon. “Saka parang hindi ko rin masyadong naramdaman. Saka ayoko naman nu’ng ‘I therefore conclude…’ unless sinabi niya talaga or something,” sey pa ni Maria.

Kaya naman daw nang magkita silang muli sa una nilang pagsasama sa pelikula ng Star Cinema, ang ‘A Love Story,’ nagbibiruan na lang sila tungkol sa kakaiba at very memorable na experience nila nung nag-date sila noon.

Pero ang pinakabago sa kanilang pagsasama ngayon, nagkaroon daw ng instant fan si Aga nang makatrabaho niya si Maria.

“Unang-una, payat siya! Saka very raw alam mong mahusay talagang artista si Aga. Pero hindi ko alam na ganun siya kagaling.”

“Kaya sabi ko talaga sa kanya, ‘Alam mo may bago kang fan. Sabi niya, Sino?’ Ako! Tapos sabi niya, ‘eto naman!’” kuwento pa ni Maricel.

Mapapanood na ang tambalan nina Maria at Aga sa August 15 sa regular showing nito samantalang may premiere night naman ang ‘A Love Story’ sa August 14 sa SM Megamall Cinema 10. Makakasama pa nila ang young actress na si Angelica Panganiban at kakaiba ang kumbinasyon ng tatlo, kaya talagang ipinagmamalaki rin ito ng Star Cinema.

Abangan ‘yan!


Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

Categories

%d bloggers like this: