Posted by: thecommuterexpress | August 2, 2007

Magkaangkas na kawatan nalambat sa Maynila

DAHIL sa mga ipinakalat na checkpoint sa iba’t ibang dako ng lungsod ng Maynila, dalawang lalaking magkaangkas sa isang motorsiklo na naging sangkot sa isang panghoholdap sa Quezon City ang natiklo ng pulisya kahapon ng madaling araw.

Ayon sa Manila Police District (MPD), nasabat ng kanilang mga tauhan ang dalawang kalala-kihan sa distrito ng Sampaloc, at inaresto nila ang mga ito nang malaman na sila pala ang suspect sa isang umano’y pagnana-kaw na naganap sa Quezon City ilang minuto lamang ang nakalilipas.

Ayon sa inisyal na imbesti-gasyon, ang suspect na sina Paul Ryan Lumboy, 24, at Christopher Colmenar, 27, na pawang taga-Gagalangin, Tondo, Maynila, ay nahulihan din ng isang kalibre .38 na revolver na may apat na bala.

Batay pa rin sa ulat, ang dalawang suspect na nabanggit ay naaresto matapos silang makitaan na may dalang baril.

Agad naman nakipag-ugnayan ang MPD Station 4 sa Quezon City police at doon na nila nadiskubre na ang dalawang nasabat nila sa checkpoint ay katatapos lamang nagsagawa ng panghoholdap sa isang lugar sa Quezon City bago sila nagtungo sa Maynila.


Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

Categories

%d bloggers like this: