Posted by: thecommuterexpress | August 2, 2007

Kontaminadong karne tinututukan

MAHIGPIT ngayong tinututukan ng mga pulisya sa lalawigan ng Bulacan ang mga “pork smugglers” na gumagamit ng iba’t ibang paraan upang maipuslit patungong Kamaynilaan ang mga “hog cholera-tainted meat” at maipagbili ang mga ito sa mga pamilihang pampubliko.

Napag-alaman na ang mga pulis mula sa Bulacan ay lalo pa nilang pinaigting ang kanilang mga inilatag na checkpoint sa mga maaring daanan ng mga tinaguriang “pork smugglers” para hindi makalusot ang mga ito, partikular na sa Balintawak area.

Naglatag na rin sila ng karagdagang checkpoint sa mga bayan ng Malolos, Guiguinto, Sta. Maria, at Bocaue, kung saan ang ilang mga iligal na meat dealer ay maaring dumaan sa mga lugar na ito para maipuslit ang kanilang kontaminadong karne na kanilang ikakalakal sa Kamaynilaan.

Nauna rito ay naghigpit na rin ang mga pulisyang malapit sa lalawigan ng Bulacan kung saan may mga napaulat na baboy na tinamaan ng sakit na hog cholera.

Samantala, naghigpit na rin ang Davao City government upang maiwasan ang pagkakaroon ng “outbreak” ng hog cholera sa kanilang lugar.

Kaugnay nito, inatasan na ng Office of the City Economic Enterprises (CEE) ang lahat ng mga nagtitinda ng karne ng baboy sa Davao na ipaskel ang kanilang mga permit sa kanilang stalls.

Sa panig naman ni Agriculture secretary Arthur Yap, ipinag-utos na nito na ang lahat ng pagbibiyahe ng mga breeders at baboy na kakatayin ay dapat may kaukulang shipping permits at dapat ding ma-monitor sa mga veterinary quarantine checkpoints.


Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

Categories

%d bloggers like this: