Posted by: thecommuterexpress | August 2, 2007

IBON: 77% ng Pilipino itinuturing na mahirap sila

ITINUTURING ng halos walo sa bawat sampung Pilipino na mahirap sila, ayon sa survey na isinagawa ng grupong IBON Foundation.

Batay sa survey na isinagawa ng IBON nitong nakaraang Hulyo, lumalabas na 76.8 porsiyento ng mga respondents ay nagsasabi na sila ay mahirap, at ito ay tumaas mula sa bilang na 67.6% nitong nakaraang Enero, at 69.3% naman sa parehong panahon noong nakaraang taon.

“The results are ‘not surprising,’ considering that there are still insufficient livelihood opportunities in the country,” sinabi kahapon ni IBON executive director Rosario Bella Guzman.

Ayon pa rin sa impormasyong kanilang nakalap, sinabi ni Guzman na 44.35 porsiyento sa mga respondent ang nagsabi na walang sapat na trabaho o livelihood opportunities sa kanilang lugar, habang 32.66% naman sa kanila ang nagsabi na wala trabaho o mapagkakakitaan, at 16.94 prosiyento ang nagsabi na kulang ang mga bagay na ito.

Sinabi pa ni Guzman na ang July 2007 IBON survey ay isinagawa nila sa buong bansa at 1,488 ang respondents dito.

Ipinaliwanag din ni Guzman na ang pinakahuling survey na isinagawa ng IBON ay mayroong margin of error na plus o minus three percent.


Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

Categories

%d bloggers like this: