Posted by: thecommuterexpress | August 2, 2007

Ara Mina: Worth P3 million na ba ako ngayon?

eXpress Scoop  ni Ruel Mendoza

NAGULAT na lang si Ara Mina nang makarating sa kanya ang balita na P3 million daw ang kanyang talent fee sa ginagawa niyang pelikula with Manny Pacquiao na may titulong Anak ni Kumander.

Sey ni Ara na masyado naman daw malaki ang talent fee na iyon at kahit daw si Manny Pacquiao pa ang producer, hindi naman daw niya kayang pagsamantalahan ang pagiging generous nito.

“Grabe naman ang balitang ‘yan. Worth P3 million na ba ako ngayon?” ngiti pa ni Ara.

“Sa totoo lang, noong sabihin nga ni Manny na gusto niya akong maging leading lady, walang problema sa akin. Sino ba naman ang ayaw makatrabaho ang Pambansang Kamao, ‘di ba? Maganda naman ang offer nilang talent fee sa akin. Pero over naman ang tatlong milyon. Sumobra naman yata.”

“Pero kung sana ‘yun ang in-offer nilang talent fee, bakit ko rin naman tatanggihan, ‘di ba?” malakas na tawa ni Ara. “Three million pesos is three million pesos. Kaso hindi naman ‘yun ang amount, eh. Basta tama lang ‘yung offer nila.”

Pang-Metro Manila Film Festival nga ang movie na iyan ni Ara with Manny. Pero this October ay may ipapalabas pang isang movie si Ara and this time ay isang digital film titled Selda.

Makakasama nga rito ni Ara ay sina Emilio Garcia at Sid Lucero. Mula ito sa director ng award-winning digital film na Ilusyon na si Paolo Villaluna. First time ngang gumawa ng isang full-length digital film si Ara.

“May mga offers na sa akin noon pero wala akong ma-accept kasi parati akong wala sa bansa last year. Right timing nga kasi wala akong schedule na pag-alis when shooting for Selda starts.”

“Ilang shooting days lang naman ako pero mabibigat ang mga eksena. Ang maganda pa ay ihahabol nila ito for the Korean International Film Festival kaya pagagandahin nila ito ng husto.”

Natanong din kay Ara ang pagiging cover girl ngayon ng kid sister niyang si Cristine Reyes sa FHM. Proud na proud nga si Ara na natupad na rin ang wish ng FHM na malagay sa cover ang kanyang kapatid.

“Naku proud sister ako kasi ang ganda-ganda at ang sexy-sexy ni Cristine. Sa totoo lang, mas maganda ang cover niya kesa noong nag-cover ako two years ago sa FHM. Aminado naman ako diyan, eh.

“Sana ay maging maganda naman ang mangyari kay Cristine sa pinasok niyang ito. She has my blessings naman. At sana rin, she gets to do good projects at ma-recognize balang araw ang pagiging actress niya at hindi lang ang pagiging sexy niya.”

* * *
How true na may sama ng loob itong si Kris Bernal sa ka-loveteam niyang si Mart Escudero?

Silang dalawa nga ang nanalo bilang Ultimate Loveteam sa Starstruck: The Next Level at inaasahan nga ng marami na magkakatuluyan sila. Pero sa naging interview namin kay Kris ay tila hindi siya natutuwa sa mga pinapakitang pandededma sa kanya ni Mart.

Sey ni Kris ay hindi raw niya maintindihan kung bakit gano’n na lang daw ang naging pakitungo sa kanya ni Mart. To think na sila ang napiling Ultimate Loveteam pero wala raw effort si Mart na iparamdam sa kanya na gusto nitong mag-work ang team-up nila.

“Naguguluhan ako sa kanya, eh,” emote ni Kris. “Hindi ko na alam kung ano kami ngayon as a loveteam. Oo at magkasama nga kami sa Boys Next Door. Pero ‘yung inaasahan ko na mas ipakita niya na dapat mag-work ang loveteam namin ay ‘di na nararamdaman. Parang wala na iyon sa kanya.”

Kampansin-pansin nga na hindi na nakikita kay Kris ang Swarovski bracelet na niregalo ni Mart sa kanya noong 18th birthday niya. Dati-rati ay suut-suot ito ni Kris at pinagmamalaki niya ang regalo ni Mart. Pero ngayon ay wala na ito.

“Tinago ko na lang siya somewhere,” sabay tawa ni Kris. “Di ko na nga alam kung saan ko tinago, eh. Before kasi importante sa akin ‘yung gift niyang iyon. Ngayon parang wala na. Kaya tinago ko na lang.”

May kinalaman kaya ang pagpares ni Mart sa anak ni Jean Garcia na si Jenica Garcia sa soap drama na Impostora kaya parang dinededma na siya nito? Kelan lang ay pinalabas na nga ang kissing scene ng dalawa sa naturang show.

“Ewan ko… baka nga,” biro pa ni Kris. “Na-meet ko naman na si Jenica. Pero hindi kami nakapagkuwentuhan. Parang nagkasalubong lang kami dito sa GMA-7. Hanggang gano’n lang. Siguro si Mart na lang ang tanungin n’yo regarding that. Kasi siya naman itong nagbago at hindi ako.”

Nagseselos ba siya na parang mas close ngayon si Mart kay Jenica?

“Ah no naman. Bakit naman?” mabilis na sagot ni Kris. “Huwag nating idamay si Jenica rito kasi nagtatrabaho lang naman ‘yung tao.”

“As for Mart, bahala siya. Basta ako, kapag sinabi ng management na lagyan ko ng effort ang loveteam namin, gagawin ko ‘yon because nanalo kami ng title na Ultimate Loveteam. Sana nga lang, kung mag-e-effort ako, maglagay din ng effort si Mart.”

* * *
Kahit na nga may mga sinabing hindi magaganda ang Pinoy Big Brother Season 2 second runner-up na si Wendy Valdez sa co-PBB 2 housemate niyang si Gee-Ann Abrahan, bale-wala na raw iyon para kay Gee-Ann.

Naiintindihan naman daw ni Gee-Ann kung bakit kailangang gawin iyon ni Wendy and she wishes her well sa career nito ngayon.

“Wala naman akong sama ng loob kay Wendy,” diin ni Gee-Ann. “Kung nasabi niya iyon, maybe may reason siya. I will not condemn her just because of that. Basta ako, naging totoo ako sa kanya and perhaps ang pinakita niya ay ‘yung katotohanan lang sa mga nararamdaman niya sa amin sa loob ng Bahay Ni Kuya.”

Kelan lang daw ay nagkasalubong sila ni Wendy sa loob ng ABS-CBN 2. Nagbatian naman daw sila. Isang sign daw iyon na okey na ang lahat. Pero may nagsabi na baka raw pinaplastik lang siya ni Wendy.

“Like what I said, basta ako naging totoo ako kay Wendy. Kung kaplastikan or genuine ang pagbati niya sa akin, tatanggapin ko pa rin iyon. Bilang kasamahan sa PBB 2, dapat lang na maging maayos kami. Tulad this August, magkakasama kami sa Davao City for a fans day. Alangan naman hanggang doon magtarayan kami, ‘di ba?”

Despite nga ng pagiging maldita ni Wendy, natutuwa naman si Gee-Ann dahil nagbida na kaagad ito sa sarili niyang soap drama na Margarita. Pinapaabot nga ni Gee-Ann ang kanyang congratulations kay Wendy.

“Lahat naman kami masaya for Wendy. Ang success naman ng isa ay success naming lahat sa PBB 2,” pagtatapos pa ni Gee-Ann.


Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

Categories

%d bloggers like this: