Posted by: thecommuterexpress | August 2, 2007

Ang panig ni Bumbay!

Shooter ni Raffy Tulfo

ISANG e-mail na may petsang July 25, 2007 ang natanggap ko bilang reaksyon sa aking nakaraang kolum noong Martes na pinamagatang “Ang Tigasing Bumbay.” Ang nasabing e-mail ay nagmula kay Atty. Jose Luis V. Agcaoili, nagpakilalang abugado ni Hiranand Asandas Daryanani.

Sa aking nakaraang kolum, binanggit ko ang sumbong sa BIR ng isang agrabyadong emple-yado ng Town & Country Manufacturing na pagmamay-ari ni Daryanani.
Ayon sa sumbong, ang kumpanya ni Daryanani ay hindi nagbabayad ng karampa-tang buwis sa BIR at hindi rin ito rehistrado sa Parañaque Business Permit & Licensing Office (BPLO) kung saan matatagpuan ang tanggapan ng naturang kumpanya.

Binanggit ko rin ang pag-snub ni Daryanani sa liham ng BIR Regional District Officer ng Parañaque na si Alejandro B. Polca na may petsang July 4, 2007 kung saan pinagre-report si Daryanani ni Polca sa kanyang tanggapan para mag-paliwanag.

* * *

Sa ngalan ng patas na pamamahayag, narito ang ilan lamang sa mahahalagang bahagi – direct to the point – ng liham ni Atty. Agcaoili:

Dear Mr. Tulfo,
(1) Mr. Daryanani is 75 years old, a Filipino citizen of Indian descent. He has been a resident of the Philippines for more than 50 years and considers the Philippines as his home; (2) Mr. Daryanani is a law-abiding Senior citizen who is very well respected and highly esteemed in business circles and as an elder in the Filipino-Indian community. He has never been implicated nor charged in connection with any crime or even a taint of illegal or immoral activities; (3) Town & Country Manufacturing is only one of the business names registered in his favor with the Department of Trade and Industry (“DTI”). However, he never incorporated a company under this name, nor did he ever engage in importation or enter into any transactions for or under Town & Country Manufacturing which would involve the BIR or the City of Parañaque. Mr. Daryanani has no knowledge or participation in any Tax Credits scam or Tax evasion schemes.

* * *

Sa nasabing e-mail, nakiusap si Agcaoili na tawagan ko siya sa telepono. At nang mag-usap kami, sinabi niyang hindi na si Daryanani ang may-ari ng Town & Country kundi ang bayaw niya na nagngangalang Mohan Dadlani. Gayon pa man, sinadya daw ni Daryanani na irehistro pa rin ang Town & Country sa kanyang pangalan bilang pang-asar sa kanyang bayaw?!?$@!%

May ibang mga impormasyon na binanggit si Agcaoili sa aming pag-uusap na hindi ko na babanggitin sapagkat pumayag ako sa kanyang kahilingan na iyon ay magiging off-the-record dahil ang nasabing mga impormasyon ay maglalagay sa kahihiyan sa pamilya ni Daryanani, ayon na rin kay Agcaoili.

* * *

Ang masasabi ko lamang kay Atty. Agcaoili, dapat ay kausapin mo ng masinsinan ang iyong kliyente at hilingin sa kanya na siya’y maging transparent sa iyo para hindi ka naliligaw at nang sa gayon ay maidepensa mo siya ng tama.

Unang-una Atty. Agcaoili, alam mo ba na sa Income Tax Return ng iyong kliyente noong taong 2006, idiniklara niyang empleyado lang siya ng Town & Country Manufacturing at ng isang kumpanya – ang New Creation Manufacturing Co., Inc. Dito, binanggit niyang sumuweldo at kumita lamang siya ng P1.3 Million mula sa dalawang nabanggit na kumpanya. Pero ikaw na mismo ang nagsabi Attorney, na ipinarehistro pa rin ni Daryanani ang Town & Country sa kanyang pangalan bilang pagmamay-ari pa rin niya.

Pangalawa, sa SEC papers, lumilitaw na si Daryanani ay hindi empleyado kundi may-ari mismo ng New Creation. Nakakalito ano Attorney? Pero ang BIR, sigurado ako ay hindi malilito.

Sa sinasabi mong hindi nag-i-import si Daryanani ng mga raw materials tulad ng mga tela, pakitanong mo sa kanya kung sino si Mario – isang customs broker ng mga garments. Anyway, I rest my case at ipapaubaya ko na lamang sa BIR ang kasalukuyang imbesti-gasyon na kanilang ginagawa laban sa iyong kliyente.


Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

Categories

%d bloggers like this: