Posted by: thecommuterexpress | August 2, 2007

15-T SQUATTER SA MM AALISIN

NAPIPINTONG alisin ang halos 15,000 mga squatter na kasalukuyang matatagpuan sa mga pangunahing waterways at mga lansangan sa Metro Manila kaugnay ng isasa-gawang operasyon ng isang inter-agency committee na naatasang alisin ang lahat ng mga “obstruction” sa Kamay-nilaan.

Napag-alaman na ang bagong tatag na Metro Manila Inter-Agency Committee (MMIAC) ay magsasagawa ng relokasyon ng mga pamilyang maaapektuhan bago sumapit ang taong 2010, kung saan ang nasabing ahensiya ay binubuo ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) bilang lead agency, National Housing Authority (NHA), at local government units (LGUs).

Kaugnay nito, sinabi naman kahapon ni MMDA chairman Bayani Fernando na wala siyang nakikitang balakid sa isusulong na programa dahil ang layunin naman ng grupo ay masasabing “very realistic.”

“The group’s initial intention is to remove squatter-families along Commonwealth Avenue, Araneta Avenue and EDAS/NHA triangle property in Quezon City; Ramon Magsaysay Boulevard, Port Area, Philippine Ports Authority (PPA) property; and 15 adjacent and lateral roads to Bonifacio Drive in Manila,” ani Fernando.

Napag-alaman din na ang NHA ay naghahanda na ng 3,000 mga residential lots sa Cabuyao, Laguna para mapag-lipatan sa ilang mga maaapek-tuhang mga pamilya.

Habang ang MMDA naman ay siyang magsasagawa ng “demolition” at paggiba ng mga iligal na istraktura, kagaya ng mga barung-barong, mga iligal na commercial establishment, advertising signs na matatagpuan sa mga lupa ng gobyerno at mga bahay sa gilid ng mga daanan ng tubig.

Samantalang ang mga lokal na pamahalaan sa Metro Manila kung saan isasagawa ang relokasyon ng mga iskuwater ay naatasan ding magbigay ng tulong-pinansiyal sa mga maaapektuhang squatter-families.    Jun P. Yap


Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

Categories

%d bloggers like this: