Posted by: thecommuterexpress | August 1, 2007

Screening para sa LPC 7-Stag magsisimula ngayon

Sportsgame ni Galman

SISIMULAN na ngayon sa Las Pinas Coliseum ang screening ng mga stags na sasabak sa nakatakdang 2007 LPC 7-Stag derby. Ang pasabong na ito ay nakatakda sa Agosto 23 at 25.

Taun-taon ay paderbi na ito ni Mayor Nene Aguilar. Ang tradisyunal na unang derby dito sa Las Pinas ay sinasalihan ng mga kilalang breeders mula sa iba’t ibang dako ng buong bansa.

At dahil sa inaasahang napakalaking bilang ng mga kasali na aabot sa mahigit na 75 participants, aabot sa P1.5 milyon ang garantisadong premyo. Ito ay sinuguro ni coliseum manager Alex Tobias.

Kaya nga ngayon pa lamang ay sinimulan na ang pagsusuri sa mga stags na isasabak sa naturang sabong. Maari kayong tumawag sa mga telepono bilang 873-1040, 0927-7101671 at 0926-7450375 at hanapin lang sinuman kina Rudy o Julius.

Big Boys 7-Stag derby sa Pasay cockpit
Puro palaban at mga astig sa sabong ang mga sasali sa pinaghahandaang Battle of the Big Boys 7-Stag derby dito sa Pasay City Cockpit sa Agosto 31.

Siniguro ni pit manager Eric dela Rosa na ang pasabong na ito ay kasasabikan ng mga apisyonado.

Sa unang pagkakataon ay isasabak ng mga breeders ang kanilang mga bagong palahi. Ang ilan sa kanila ay sina Boy Marzo, Firefly Group, Jun Topacio, Ito Ynares, John Capinpin, Obet Son, Gerry Ramos, Primallion Brothers, Madlambayan Brothers, Willie Villarica, Joey delos Santos, Ricky Reys, Tony Trebol, at sabong idol Patrick Antonio.

Walang atrasan ang sukatan dito. Manalo o matalo, kailangang ilaban ng bawat isang participant ang kanilang pitong stags sa loob ng isang araw. Ito ang patakaran, ayon kay dela Rosa.

Para higit na maparehas at maging patas ang labanan, ang mga banded stags na tinanggap ay muling susuriin. At simula sa Agosto 8 hanggang sa 25 ito gagawin, dagdag pa ng pit manager.

Kaya kung ang inyong mga stags ay nasuri na at nalagyan na ng wing band, dapat ito ay nagmula sa NGBA, GF-BAN, LGBA, UGBA, PAGBA, MIGBA, SGBA at NFGB.

Bataan 2-Cocker ngayon
Kahit smalltime na sabungero ay may pitak kayo sa puso ng mga apisyonado. Dito sa Dinalupihan Coliseum na nasa Bgy. San Ramon, Dinalupihan, Bataan ay magkakaroon ng 2-Cock derby. Mga smalltime na sabungero ang kasali para sa maaksyong derby dito sa lalawigang ito.

Nakalinya rin dito sa Dinalupihan Coliseum ang Two Hits Ulutan. Ito ay walang entry fee na ginaganap tuwing Martes at Biyernes. Mayroon itong garantisadong premyong P8,000 sa bawat magkakampeon.

Sa Agosto 9 naman ay nakalinya ang kauna-unahang 2-Bullstag derby dito. Ito ay nagmula sa imbitasyon ni Daggie Malit.

Para sa iba pang kaalaman, maaari kayong tumawag kay Vice Maning sa 0918-5314676; kay Dang sa 0918-5641151 o kaya kay Jay sa 0920-5618002.


Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

Categories

%d bloggers like this: