Posted by: thecommuterexpress | August 1, 2007

Pekeng pantalon natiklo ng NBI

NAKAKUMPISKA ang mga ahente ng National Bureau of Investigation (NBI) ng P1.3 milyong halaga ng pekeng “Lee” jeans sa isinagawa nilang magkakasunod na pagsalakay sa Pasay City nitong nakaraang Linggo.

Sinalakay ng mga tauhan ni NBI Intellectual Property Rights Division (IPRD) chief Elfren Meneses Jr. ang isang sales outlet at dalawang stockroom ng Signal Way General Merchandise at Uso-Uso Style Fashion kung saan ay doon nila nakumpiska ang mga pekeng pantalon.

Sinalakay din ng mga NBI agents ang Loida Briones Fashion Haus na pag-aari ni Chen Mei Shan o’ Loida Briones, sa Stall I E 7-8, Ground Floor, Galleria Baclaran Shopping Mall, Taft Avenue Extension, Pasay City.

Habang ang mga stockroom ay natagpuan naman sa Unit JB-105, 2nd Floor at Unit JB-215, 3rd Floor ng JB Building, Kapitan Ambo Street, Pasay City.

Umabot sa 1,106 na pares ng pekeng “Lee” jeans ang nakuha sa mga nabanggit na lugar.

Ngunit bago sinalakay ang mga naturang lugar ay nag-sagawa muna ng surveillance operation ang mga tauhan ng NBI kaugnay ng impormasyon na ibinigay sa kanila ng market research firm na Orion Support Incorporated.


Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

Categories

%d bloggers like this: