Posted by: thecommuterexpress | August 1, 2007

P.5-M ninakaw sa brgy hall

ISANG hindi pa nakikilalang kawatan ang nagtagumpay na pagnakawan ang isang barangay hall sa Pasig City kung saan ay nakatangay ito ng halagang P500,000 na itinatago sa naturang tanggapan kahapon ng madaling araw.

Batay sa inisyal na ulat ng pulisya, nadiskubre lamang ng mga barangay officials ang nangyaring insidente dakong alas-6 na ng umaga nang makapasok ang mga ito sa barangay hall ng Ugong sa Pasig City.

Napag-alaman na may nakakita pa umanong mga mamamayan sa lalaking hindi pa nakikilala na patungo sa loob ng barangay hall bago madiskubre ang nangyaring umano’y pagnanakaw dito.

Ang sinasabing P500,000 na nawalang halagang pansamantalang itinago sa naturang tanggapan ay para sana sa suweldo ng mga empleyado ng barangay, at para na rin sa pondo ng ilang proyekto sa lugar.

Ngunit ang lubhang nakapagtataka, ayon sa isang mamamayan doon, ay ang nabanggit na barangay hall ay halos katabi lamang ng isang presinto ng pulisya ng Pasig City.

Samantala, kasalukuyan pang nagsasa-gawa ng karagdagang imbestigasyon ang lokal na pulisya upang masiguro na walang nangyaring inside job sa pagkawala ng naturang halaga. Jun P. Yap


Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

Categories

%d bloggers like this: