Posted by: thecommuterexpress | August 1, 2007

Mt. Bulusan muling nagising

KASALUKUYANG tinututukan ng mga tauhan ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs) ang dalawang bayan sa Sorsogon na maaring naapektuhan ng pinakahuling pagsabog ng Bulusan Volcano kung saan ay nagbuga ito ng abo na umabot sa layong limang kilometro kahapon ng umaga.

Ayon kay Phivolcs resident volcanologist Bella Tubianosa, bagama’t nagkaroon ng panibagong aktibidad ang naturang bulkan, nananatili pa rin sa Alert Level 1 ang kapaligiran ng bulkang Bulusan.

“We are keeping an eye on some villages in Juban and Irosin town. An ash explosion can occur there anytime,” ani Tubianosa sa mga reporter.

Aniya, ang nangyaring “ash explosion” ay naitala dakong 9:37 kahapon ng umaga, kung saan ay sinasabing umabot sa limang kilometro ang layo ng inabot nito.

“Much of the ashfall was west-southwest and west-northwest of the volcano,” sabi pa ni Tubianosa.

Samantala, sinabi pa ng nabanggit na opisyal na pinag-aaralan pa nila ang nangyaring sitwasyon para malaman kung kailangang muling itaas ang alert level sa paligid ng Bulusan.

Kaugnay nito, pinaalalahanan ng Phivolcs ang mga mamamayan doon na huwag papasok sa itinakdang four-kilometer radius na Permanent Danger Zone (PDZ) dahil sa nagbabadyang pagsabog at maaring pagdausdos ng mga bato mula sa itaas na bahagi ng Bulusan Volcano.


Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

Categories

%d bloggers like this: