Posted by: thecommuterexpress | August 1, 2007

Kadete ng PNP naholdap sa Pasay

HABANG sumasailalim sa matinding pagsasanay ang isang kadete ng Philippine National Police Academy (PNP) ay naranasan na kaagad nito ang panganib sa kanyang magiging trabaho matapos maholdap ito sa loob ng isang pampasaherong bus sa Pasay City kahapon ng madaling araw.


Batay sa inisyal na ulat, si PNPA cadet Victor Aniban, 21, na mula sa Tuguegarao, Cagayan ay nawalan umano ng tatlong cellular phone, $180 at P2,000 na halaga ng pera, wallet, ATM cards, at iba’t ibang klase ng damit nang holdapin siya ng anim na kalalakihan.

Aniya, naganap ang insidente sa loob ng pampasaherong bus makaraang sumapit ito sa EDSA-Rotonda sa Pasay kahapon ng madaling araw.

Dahil sa maagap nitong pag-report sa pulisya ng Pasay, nadakip naman ang isang suspect na si Roberto Bautista, na sinasabing miyembro ng Sigue-Sigue-Sputnik gang, ngunit wala na ang mga gamit na nakuha nila kay Aniban dahil naipasa na umano ang mga ito sa ibang kasabwat ng suspect.

Napag-alaman na patungo si Aniban sa PNPA sa Cavite para sa kanyang pagsasanay doon nang maganap ang insidente.


Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

Categories

%d bloggers like this: