Posted by: thecommuterexpress | August 1, 2007

Ipinakita ni Zsa Zsa kung gaano kaimportante sa kanya si Dolphy

Showbiz konek ni Maricris Valdez-Nicasio

IPINAKITA ni Zsa Zsa Padilla kung gaano niya kamahal at gaano kaimportante ang King of Comedy na si Dolphy sa kanya. Si Zsa Zsa kasi ang namahala at naging punong abala sa celebration ng 80th birthday ng ace comedian last week.

Kahit may lagnat nang araw na iyon, hindi alintana ng singer/aktres dahil ang atensiyon ay sa mga inihandang sorpresa para kay Mang Pidol.

Ayon kay Zsa Zsa, sila ng mga anak nilang sina Zia at Nicole ang nag-isip ng naturang pakulo sa tulong nina Direk Al Quinn at Bert de Leon, pati na ni Kitchie Benedicto.

“Every time we thought of, naisip namin ito ng aking daughters and we conceptualized it. The event will make it 1920 with the help of Kitchie and the big band.”

“Nagulat nga si Dolphy, kasi nga ang nag-conceptualized naman ng entrance niya ay sina Bert at Al.”

“Ang wish ko for him, long life, good health and lots of happiness. He’s so love by his family and other people. Noong isang araw nga nasa Embassy kami and mayroon pang lumuhod sa kanya and tuwang-tuwa na nakita siya. Maraming ganon na kapag nakikita siya’y sobrang natutuwa,” masayang pagbabalita ng singer/actress.

“He’s just so nice, there’s no other man like him, I will never find a man like him. He’s so wonderful, very gentle and loving and I’m glad we’ve been together for so many years.”

Sinabi pa ni Zsa Zsa na balak sana niyang regulahan si Mang Pidol pero naisip niyang mas maa-appreciate nito ang party na iyon. “Dapat talaga bibigyan ko siya ng mamahaling relo, ‘yung kaya kong bilhin, pero I thought of this party and my daughters kaya ito na lang ang ginawa namin. Lahat kasi ng material na bagay mayroon na siya, kaya mas naisip namin ito ang talagang makakapagpasaya sa kanya,” hirit pa ni Zsa Zsa.

Sa panig naman ng king of comedy, sobrang tuwa niya sa naturang birthday celebration. Halos lahat ng mahal niya ay naroon. Sa 18 anak niya, present sina Manuel I (ama ni Boy2 na umuwi lamang ng ‘Pinas mula USA para sa naturang selebrasyon), Sally, Edgar, Rolly, Marikita (na nanggaling pa ng New York), Dino, Ronnie, Jeffrey, Rommel, Vandolph, at Zia Maria. Hindi nakadalo ang ibang anak ni Mang Pidol na sina Sonny Boy, Edwin, Eric (dahil ito’y kasalukuyang nasa Amerika), Dolphy Jr, Madonna, at ang anak nila ni Zsa Zsa na si Nicole na nasa Australia at nag-aaral doon.

Pumasok si Dolphy sa venue buhat sa isang vintage car with matching bodyguard pa na de-baril ng mahabang de-plato na animo local version siya ni Al Capone. Pati mga music at set ng banda ay animo ibinalik ang era na ito.

Ang totoong edad ni Dolphy ay 79 subalit dahil malas daw sa Feung Shui ang 9 at counted na raw ng isang taon habang ipinagbubuntis siya, kaya’t ginawa na lamang itong 80.

Ang mga top brass ng ABS-CBN ay present din sa pangunguna ng top honcho nitong si Gabby Lopez, Charo Santos-Concio, Malou Santos, Linggit Tan, at Deo Endrinal. Ang cast ng John En Shirley ay present din sa pangunguna nina Susan Roces, Maricel Soriano, Noel Trinidad, at ang producer nitong si Kitchie Benedicto.

Naroon din sina Gary Valenciano, Eddie Gutierrez, Carmi Martin, directors Al Quinn, Ben Feleo, at Bert de Leon. Ang mga taga-Tape Inc., na sina Tony Tuviera at Malou Choa-Fagar ay nakibahagi rin sa pagdiriwang. Sina Ariel Ureta, Mother Lily Monteverde, Carlitos Siguion Reyna, Bibeth Orteza, Armida Siguion Reyna, Louie Ocampo, Gio Alvarez, Smokey Manaloto, Bayani Agbayani, Isko Salvador, Angge, Vicky Belo, at iba pa ay present din ng gabing iyon.

Dumalo rin sa pagdiriwang ang mga kapatid ni Dolphy na sina Auring, Laura, at Josie

* * *
Nasa DVD na ang top rating teleserye ng ABS-CBN na Maging Sino Ka Man na naglalaman ng 14 volumes. Ang drama series na may powerhouse cast na kinabibilangan nina John Lloyd Cruz, Bea Alonzo, Anne Curtis, at Sam Milby ay isang love story na hahamakin ang lahat.

Parang pelikula ito sa isang grandiyosang setting na tinatampukan din ng mga batikang tulad nina Christopher de Leon, Chin Chin Gutierez, Smokey Manaloto, Dick Israel, Bing Pimentel, Irma Adlawan, Glenda Garcia, Malou de Guzman, Ramon Zamora, Keanna Reeves, Bembol Roco, at Phillip Salvador.

* * *
Mapapanood ang naiibang episode ng Magpakailanman dahil ukol ito sa kasaysayan ng mga batang may sakit na nagiging mukhang unggoy. True story ng mga batang nagkasakit na tinatawad ng Hurler Syndrome o‘yung nagiging mukhang unggoy ang hitsura.

Ang sakit na ito’y bunga ng genes defect pero ang tinatamaan lamang ay ang mga anak na lalaki. Ito ang nangyari sa mag-anak ni Mercedita Cana na ginagampanan ni Lotlot de Leon.

Dalawang anak niya sa unang asawa na gagampanan ni Gary Estrada ang nagkaroon ng sakit na ito at namatay. Muling nag-asawa si Mercedita at nagka-anak. Si Gardo Versoza naman ang gumanap na ikalawang asawa. Ang isa sa anak niya rito’y mayroon ding Hurler Syndrome.

Tampok din sa programang ito ni Ms. Mel Tiangco sina Mai Mai Davao, Kris Bernal, at iba pa na napapanood sa GMA-7 tuwing Huwebes pagkatapos ng Jumong.

* * *
Alamin mamaya sa Kung Ako Ikaw kung sino kina Francine Prieto, K Brosas, at Jopay Paguia ang magkakamit ng P100,000 na premyo bilang pinakamagaling na magpapaso.

Grabeng dusa ang inabot ng tatlong kikay na aktres sa challenge na ito. Katunayan, nagpaltos pa nga ang mga kamay ni Jopay habang nagpapala ng luwad at gumagawa ng paso. Pero, game nilang ginawa ang mga challenge with matching kaeklayan kaya kuwela talaga.

Sa unang episode ng bagong comedy reality TV series na ito nina Joey Marquez at Keempee de Leon, nanalo si Rustom Padilla. Last week naman ay si Cristine Reyes, kaya’t abangan mamaya ang mapalad na mag-uuwi ng cash prize. Napapanood ang Kung Ako Ikaw, Lunes hanggang Miyerkules after Jumong.


Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

Categories

%d bloggers like this: