Posted by: thecommuterexpress | August 1, 2007

Challenge kay Sexbomb Izzy Tirona ang maging kontrabida ang role niya

eXpress Scoop ni Ruel Mendoza

LUMABAS na rin ang katotohanan tungkol sa kinakalat ng manager ni Angel Locsin na si Becky Aguila na hindi raw sinuportahan ng GMA-7 ang pelikulang produced nila ni Angel Locsin na Angels.

Pinagkakalat kasi nitong si Becky na pinagbayad pa raw ng GMA-7 ang production ni Becky sa mga trailers na pinalabas sa naturang network.

Sa interview ni Ms. Wilma Galvante sa Showbiz Central noong nakaraang Linggo, sinabi nito na pinalabas ang mga trailers ng Angel na libre at ang GMA-7 pa raw ang nagbigay sa kanila ng pera.

Binili pala ng GMA-7 ang film rights ng Angels for P3 million. At hiningi pa nga raw ni Becky ang kalahati nito or P1.5 million in cash dahil wala na raw silang pera dahil sa pag-produce ng pelikulang iyon.

Ang nakakapagtaka ay kung bakit binabaliktad lahat ni Becky ang buong katotohanan when in fact sila pala ang nakakuha ng pera at pinakakitaan pa ang GMA-7.

Pinagtanggol din ng GMA management si Richard Gutierrez dahil pinagkumpara nga raw ni Becky ang kinikita nito sa kinikita ni Angel sa mga naging shows nito. Sey ni Ms. Wilma na tatlo ang regular shows ni Richard. Bukod nga sa daily soap nito, meron itong Nuts Entertainment at SOP. Natural lang daw mas malaki ang kitain nito.

Si Angel naman daw kasi ay nilalagay nila sa SOP pero ayaw nito dahil hindi raw siya marunong kumanta at sumayaw. Kaya hanggang sa soap drama lang siya pero well-compensated naman daw ito.

* * *
Isang malaking challenge para kay Sexbomb Izzy Tirona ang gumanap na kontrabida kay Jopay Paguia sa bagong season ng Daisy Siete na Tabachingching.

Ilang beses na ngang gumanap na mabait si Izzy sa ilang seasons ng Daisy Siete at first time niyang gaganap bilang kontrabida. Sey nga ni Izzy ay marami raw siyang natutunan sa pagiging kontrabida kina Sexbomb Mia Pangyarihan at Sexbomb Sunshine Garcia.

“Sa kanila po ako humingi ng tips on being an effective kontrabida. Pareho akong nag-seek ng advice mula kina Mia at Sunshine kasi sila ang parating nagkokontrabida, ‘di ba?”

“Okey lang naman po para sa akin ang gumanap sa ganitong role kasi naiiba naman. Hindi na ako ‘yung mabait at martir, this time ako ‘yung pinakamaldita sa show.”

“Sinabi nga ni Ate Joy (Cancio) na dapat pagbutihan ko sa role na iyon para may makalaban na sila Mia at Sunshine sa pagiging kontrabida. It’s my time to shine naman daw. Nangako naman ako na pagbubutihan ko.”

Nagsimula noong Monday, July 30, ang Daisy Siete Season 16: Tabachingching. Makakasama pa nila rito ay sina Krystal Moreno, JC Cuadrado, Jack Rodrigo, Jabo Mones, Jorel Ramirez at Felix Roco.

* * *
Hindi naman itinanggi ng Pinoy Big Brother: Season 2 housemate na si Kian Kazemi na minsan ay naging talent din siya ng GMA Artist Center.

In fact, kasama nga ang picture niya with the other GMA Artist Talents sa special calendar diary nila na pinamigay sa press noong December 2006. Pero that time was before he auditioned to join PBB: Season 2.

Sinabi nga ng 21-year-old na half-Persian and half-Filipino na ang nagawa lang niyang project sa GMA-7 ay isang music video with Yasmien Kurdi. Hindi nga raw siya mabigyan ng maraming projects dahil kasalukuyang nag-aaral siya noon sa College of Saint Benilde.

“It was my fault also because I told them na huwag muna nila akong bigyan ng maraming projects because I was so busy with school,” sey ni Kian. “By the time na natapos na ako with my course in CSB, doon dumating ang chance na makapag-audition ako for PBB. Sinuwerte naman akong makapasok and now I’m with ABS-CBN 2. Bago ako pumasok sa PBB, nabigyan na ako ng release papers ng GMA Artist Center.”

Magaling na chef itong si Kian at nahiligan niyang magluto dahil na rin sa Persian restaurant na pag-aari ng kanyang pamilya sa Makati City.

“Anything Persian I can cook,” pagmamalaki ni Kian. “The spicier, the better. But I need to take a break from being the chef when I entered PBB. Now, the rest of my family handles the restaurant kasi magiging busy ako with my new career sa ABS-CBN 2. Hopefully, I can do a lot because I’m willing to learn how to sing, dance and act.”

Nakalabas na nga si Kian kasama ang ilang PBB 2 housemates sa mga shows na ASAP, Your Song at ngayon ay sisimulan na niyang mag-taping for Love Spell. So far ay nag-e-enjoy si Kian lalo na sa attention na nakukuha niya from the third sex. Marami nga kasing mga bading ang naseseksihan sa kanya.

“I appreciate their comments on me physically,” ngiti pa ni Kian. “If they find me sexy, then thank you. I really take care of my body. I hit the gym five times a week and I watch what I eat. I use to do wrestling, track & field and football. I’m a very athletic person kaya siguro I have muscles in the right places. And I don’t take or use steroids. All natural ang mga muscles ko sa katawan.”

Okey lang daw kay Kian ang mag-pose sa isang sexy magazine. Mas okey daw kung malalagay siya sa cover ng Men’s Health magazine or magkaroon siya ng malaking billboard or print ad for Bench.

“It’s one way of promoting good health, ‘di ba? Is to show how healthy your body is,” diin ni Kian. “Don’t get me wrong. I’m not an exhibitionist. It’s just nice to share a healthy lifestyle. Hindi ba maganda ‘yung lahat tayo malulusog ang pangangatawan?”


Responses

  1. hi! how are u?


Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

Categories

%d bloggers like this: