Posted by: thecommuterexpress | August 1, 2007

74-anyos ginahasa ng tubero

HINDI makapaniwala ang isang 74-anyos na babae na gagahasain pa siya ng isang 35-anyos na tubero sa loob pa mismo ng bahay nito sa lalawigan ng Bataan nitong nakaraang Linggo ng gabi.

Ayon sa ulat ng dzRH radio kahapon, inaresto na ng lokal na pulisya ang suspect na pinanga-lanang si Joey Tumulba matapos magsampa ng reklamo ang biktima.

Batay naman sa inisyal na imbestigasyon, nangyari ang insidente dakong alas-11 ng gabi sa loob ng silid ng biktima sa bahay nito sa bayan ng Hermosa sa Bataan.

Sinabi ng biktima na bigla na lamang siyang nagising nang maramdaman niyang umibabaw na ang suspect sa kanya.

Sinubukan umano ng biktima na labanan ang suspect ngunit wala na siyang nagawa dahil sa lakas ni Tumulba.

Inihayag ng biktima na ang tanging nagawa lamang niya ay ang magsuplong na lang sa himpilan ng pulisya, kung saan ay nagsagawa naman ng follow-up operation ang mga awtoridad na naging dahilan sa pagkaka-aresto sa suspect.


Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

Categories

%d bloggers like this: