Posted by: thecommuterexpress | July 31, 2007

TV exec napaluha sa pagtataksil ni Angel sa Siyete

Hebigat by Benjie Felipe

NAPANOOD ni TsongkiBenj ang interview kay Miss Redgie Acuna-Magno sa GMA-7 tungkol sa hinanakit niya kay Angel Locsin at sa manager nitong si Ms. Becky Aguila. Kung tutuusin daw ay wala naman silang karapatang pigilin ang dalawa kung gusto nitong lumipat sa ABS-CBN. Pero ang masakit aniya, naging taksil sina AngelBabes dahil harapan na umano niyang itinanong kung totoo bang lilipat ito sa Dos ay itinanggi pa raw ni Angel na may negosasyon na palang nagaganap.

Dehins tuloy napigil ni Madam RedgieBabes na mapaluha dahil naalala niya ang mga hirap na dinanas niya bilang siyang manager ng lahat ng fantaseryeng ginawa ni Angel sa bakuran ng Siyete. Siya ang saksi kung paano unti-unting sumikat at nagtagumpay ang aktres sa sama-sama nilang suporta. Ginastahan daw ng Kapuso network si Angel at sinugalan sa proyektong hindi tiyak kung maibabalik ang kapital. Ito ang “Darna” na marahil ay siyang lumikha kay Angel bilang superstar sa bakuran ng Siyete.

Nauunawaan ng manonood ang damdamin ng isang halos ‘ina’ rin na gaya ni Madam Redgie na nagmahal kay AngelBabes bilang isang ‘anak.’ Kung ito lang ang isyu talagang pogi points ito para sa GMA-7. Kung wala lang sana ang isyung lumutang na umano’y nagpalaglag si Angel at itinago umano nila sa publiko, kung dehins na lang sana pinalitaw na sisenta milyones ang commercial endorsements na naipasok nila kay Angel na parang nagsusumbatan at pera-pera na lang ang mahalaga, kung alaws lang sana ang isyung anak si Angel ng isang katulong, mas makukuha ng Siyete ang simpatiya ng mga utoy at ineng natin at lalo na ng mga tsongkibabes at tsangkibabes natin.

Pero dahil sa naunahan ng demolisyon sa pagkatao ni Angel ang damdamin ng gaya ni Madam Redgie, mas na kay Angel pa rin ngayon ang simpatiya ng mga tao. Dehins naman sinasabi ni Tsongkibenj na ang GMA-7 nga ang nagpapalutang ng mga mapanirang isyu laban kay Angel. Kasi mahirap mambintang, malay natin, may ibang grupo na inggit kay Angel at sila ang naninira o malay natin baka mayroong mas matalino na nagpakalat nito para lalong maawa ang tao kay Angel.

Lahat ng bintang kay Angel ay isa-isang pinabulaanan ni Becky sa exclusive interview sa kanya ng The Buzz mula sa London. Pero may isang alanganing isyu na dehins niya tuwirang itinanggi, ang pagiging anak daw ni Angel sa isang maid. Sabihin pang oo, ano’ng masama kung bunga ka ng isang bawal na pag-ibig?

Ang sa amin lang, muli at muli kaming naninindigan na ang mga gaya ni Angel na talent ay saklaw lamang ng umiiral na sistema ng isang lipunan. Ang kapitalista ay siyang naghaharing uri at ang mga artista ay tulad din ng mga manggagawa na kapag kailangan, gagamitin kapag dehins na mapapakinabangan, pababayaan na lang. Dahil commodity lang ang mga talents lalo na sa industriya ng pelikula, telebisyon at recording, they are only as good as their last performance. Kaya ang tunay na ungrategful ay ang industriya mismo at dehins ang mga ta-artits. Of course, may ilang ingrato at ingrata talaga, pero sila naman ‘yung nagdurusa sa bandang huli.

Sa kaso ni Angel, bigyan natin siya ng pagkakataong makapamili kung saan siya liligaya. Tutal marami pa ang talento ng Siyete na naghihintay lang ng tamang pagkakataon. Dapat gawing template ang diskarteng ginamit kay Angel Locsin para makatuklas pa ang Kapuso ng bagong superstar sa hanay ng kabataan nilang artista.

Di ba naman?
* * *
Ang pelikulang “Tribu” ay humataw na sa mga special screening at marami sa nakapanood ng unang pelikula ni Jim Libiran ang natuwa na pangahas rin siya sa social commentaries.

Sabagay dito siya nakilala bilang “The Correspondents” writer, ang maging matapang sa pananaw sa nabubulok nating lipunan. Ipinalabas iang “Tribu” mula July 24 up to 28 sa CCP at sa ibang venue na ito ipalalabas sa susunod na mga pagkakataon.

Congratz TsongkiJim!
* * *
Nakita ni TsongkiBenj si Carlo Aquino sa launching ng Smart Mobile TV o myTV na ginanap sa Tent, The Fort. Walang ibang kasama ang actor dahil obviously, nursing a broken heart pa ito mula nang mapaibig ni Derek Sansay si Angelica Panganiban. Inaalagaan ng Kapuso network si Carlo dahil doon siya maraming proyekto pero dehins naman niya isinasara ang pinto sa Kapamilya network.

Mas gusto lang muna ng mahusay na actor na gumawa ng maraming indie films dahil dito niya nailalabas ang characters na artistic ‘ika nga.

Interesado ang actor sa presentasyon ng Smart at ng 360 Media, subsidiary ng MediaQuest Holdings sa launch ng kauna-unahang tunay na TV-phone.

Sa ngayon nga lang ay dehins pa kumpleto channels na mapapanood pero pangako ng Smart na next year ay kumpleto na ang channels na mapapanood sa MyTV. Okidok!


Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

Categories

%d bloggers like this: