Posted by: thecommuterexpress | July 31, 2007

Taglugon derby ngayon sa Roligon

Sportsgame ni Galman

NARITO naman tayo ngayon mga kasabong para sa isa pang blockbuster na sabong na inihahandog ng Roligon Mega Cockpit at sinusuportahan naman ng Lakpue Drug Inc., at Thunderbird Enerton.    

Sa ika-2 ng hapon ngayon sisimulan ang Pahabol Sa Taglugon 5-Cock derby. Mayroong nakalinyang mahigit sa 90 sultada para sa araw ng ito ng 2-Cock elimination round.

May mahabang listahan ng mga kalahok. At nangunguna na dito si Ati Asuncion na siyang fastest win champion sa katatapos na Hatawan kamakailan. Kabilang din dito sina Bobby Doromal, Eric Dio, Gerry Espina, Obet Son, Mark Teves, Toti Manalo, Roy de Vera, Mario Turbella, Benny Lado, Manny Ortiz, James Uy at iba pa.

Pinaaabisuhan din ni host Rolly Ligon na ang mga participants na nagnanais na magpasok ng limang straight fights sa Huwebes ay ipagbigay-alam lamang sa Roligon office sa ngayon.

Sa ngayon ay inihahanda na rin ang Stag Festival 5-stag derby. Ito ay nakalinya sa Setyembre 6, 8 at 10. Uumpisahan ang screening ng mga stags dito sa Agosto 10. Mangyaring tumawag kayo sa 851-2275 at 852-9812 para sa iba pang katanungan.

Bracket-of-10 ngayon sa Daang Hari cockpit
Puwede na ring masabing isang regular derby ang gaganaping Bracket-of-10 Fastest Win One-Cock Super Timbangan ngayon sa Daang Hari Coliseum na nasa Pasong Buaya II, Imus Cavite. Mga de kalidad na laban ang nakalinya ngayon at ika-3 ng hapon ito magsisimula.

Bawat ika-10 sultada ay magkakaroon na ng kampeon. Tatanggapin ng fastest winner ang P15,000. Samantalang P5,000 naman sa runner-up. Host natin ngayon si Bobbit LP group. At hanggang sa ika-1 ng hapon puwede pang tanggapin ang mga entries.

Bukas naman, Miyerkules – Agosto 1, ay tuloy rin ang bakbakan. Isasagawa ang Kumbidahan Fastest Win One-Cock Ulutan.

Ang gagamitin naman dito ay bracket-of-five format. Nakataya ang mga sumusunod na premyo. Sa fastest winner ay P5,000. Sa runner-up ay P3,000 at sa third fastest winner ay P2,000 naman.

Ito ay pasabong ng Diosa at Tagie Group. At para sa inyong mga katanungan, puwede kayong tumawag sa 0920-8752370 at hanapin si Cathy.

3-Cocker naman ngayon sa Cainta Fair Center
Dito naman sa parteng silangan ay may derby din. Ito ay sa Cainta Fair Center Coliseum. At paboritong muli ang sikat na cocker breeder na si Sam Mendoza ng Tanay Rizal sa Pahabol sa Taglugon, Bakbakan sa Tag-Ulan 3-Cock derby. Sa ika-4 ng hapon sisimulan ang sultada.

Ang mga Lemon Roundheads ang gagamitin ngayon ni Mendoza. Nitong nakaraan ay humataw ito ng walong panalo sa siyam na laban ni Mendoza. Ginanap noong isang Biyernes ang 3-Cocker at si Mendoza ay tinanghal na double champion.

Ang pasabong na ito nina LJ Sumulong, Mike Tangub at Shalilet Group ay may nakalaang papremyong P250,000. Ito ay orihinal na nakatakda sanang ganapin sa Pateros Cockpit Arena pero inilipat sa CFCC dahil nagkaroon ng kaunting problema doon.

At patuloy pa rin ang pagdami ng suporta ng mga mananabong sa nakatakdang CFCC Stagwars 5-Stag derby. Ito ay nakalinya sa Agosto 24, 27, 29 at 31 gayundin sa Setyembre 3, 5 at 7.

Ang pasabong na ito nina Boy Marzon (BM Bulalayaw), Bubut Gavino, (Tabuksuba), at Ronnie Lacsina (RL Warhorse) ay may nakalaang P1.5-milyon na papremyo. Sa mababang entry na P4,400 lamang ang kailangan. Para sa iba pang katanungan, tumawag sa 655-3334; 0918-9001411 (Ronnie Lacsina) o 0918-9211151.


Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

Categories

%d bloggers like this: