Posted by: thecommuterexpress | July 31, 2007

Rehistrasyon ng botante, pinatututukan

DAHIL sa inaasahang pagdagsa ng mga hahabol ngayong huling araw ng rehistrasyon para sa mga bagong botante para sa darating na Sanggguniang Kabataan at barangay elections, inatasan ng Commission on Elections (Comelec) ang Philippine National Police (PNP) na paigtingin ang seguridad sa lahat ng registration site.

Sinabi kahapon ni Comelec spokesman James Jimenez na ang seguridad na maibibigay ng PNP ay isang paghahanda sa mga maaring mangyari kaugnay ng pagtatapos ng rehistrasyon ngayong araw.

Napag-alaman na ngayong Martes ang huling araw para sa pagpaparehistro ng mga bagong botante para sa nalalapit na barangay at SK elections na gaganapin sa darating na Oktubre 29.

Ayon kay Jimenez, ayaw na nilang maulit pa ang nangyaring “stampede” o pagtutulakan ng mga tao na naging dahilan upang magkaroon ng kaguluhan sa ilang lugar sa Metro Manila nitong nakaraang rehistrasyon.

Samantala, patuloy pa rin ang reklamong idinudulog sa Comelec kaugnay ng mga umano’y pagkakaroon ng “hakot” ng mga magpaparehistro na sinasabing ginagastusan umano ng ilang opisyal ng barangay, kung saan ay binibigyan pa ang mga ito ng pagkain at pamasahe.


Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

Categories

%d bloggers like this: