Posted by: thecommuterexpress | July 31, 2007

PEKENG ULAN IPAKAKALAT

DAHIL sa kakulangan ng tubig at patuloy na pagkakaroon ng mainit na klima na nararanasan sa halos lahat ng sulok ng Luzon at ibang panig ng bansa, inihayag ng National Diasater Coordinating Council (NDCC) na palalawigin pa nila ang kanilang isinasagawang “cloud-seeding operation” sa limang rehiyon sa Luzon, kabilang na ang Metro Manila upang mapuwersa na magkaroon ng pag-ulan.

Sinabi kahapon ni NDCC head Glenn Rabonza na magdadagdag pa sila ng dalawang eroplanong magmumula sa Philippine Air Force para magsagawa ng cloud-seeding operation sa Ilocos, Cagayan Valley, Central Luzon, Cordillera at Metro Manila kung saan nakararanas ng patuloy na kakapusan ng tubig ang mga ito.

“This will take place every day.  Each aircraft will have two sorties in one day, each sortie taking one-and-a-half hours,” ani Rabonza sa mga reporter.

Aniya, ang karagdagang dalawang eroplano ay matutulungan ang tatlong iba pang eroplano na naunang pinakilos na ng Bureau of Soil and Water Management sa ilalim ng Department of the Environment and Natural Resources, at inaasahang tatagal pa ito ng isang buwan.

“We initially expect to hold cloud-seeding operations for a month.  But if we have to extend it, we’ll extend it.  We’re preparing for it,” sabi pa ni Rabonza.

Ipinaliwanag din ni Rabonza na ang isinasagawa nilang cloud-seeding operation ang kadalasang pinagmumulan ng malakas na ulan na bumabagsak sa Kamaynilaan nitong nakalipas na tatlong araw.

“The objective is to saturate the ground and eventually fill up our watershed areas,” dagdag pa ng naturang opisyal.     Jun P. Yap


Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

Categories

%d bloggers like this: